SWP 10

158 10 1
                                    

" SIYA ANG NAGING MUNDO KO "

Naglaho siya
Naglaho rin ang mundo ko,
Mga pangarap nati'y biglang naglaho sa isang iglap. Sa isang iglap dahil nawala yung taong katuwang ko sa pangarap na 'to.

Para siyang isang puzzle hindi ako mabubuo pag wala siya sa buhay ko, wala akong ibang ginawa kundi umiyak, umiyak na parang baliw para lang makalimutan ko yung mga hinanakit nya sa buhay ko.

Hindi ko na nakikita na buo parin ako kahit wala na siya,
Hindi ko na nakikita na hindi tumigil yung mundo nung nawala na siya,
Dahil pinipilit ko sa sarili ko na MERON pa kahit wala na siya.

Paano na ang mundo kung wala ka? Mundong dating tayo lang nagkakaintindihan
Natatandaan mo pa ba nung sinabi mong di mo ko iiwan?
Hanggang kailan ko yan panghahawakan?

Ngayong wala kana sa mundo ko, nagbago kana at iniwan mo na ako. Sarili ko naman ngayon ang iisipin ko, matutong maging matatag at masaya. Na kaya kong mabuhay na ako lang mag-isa.

Spoken Words Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon