"Para sa babaeng mahal na mahal niya"
— by: Sapphire (-Locksmiths) —Hindi mo ba alam na napaka swerte mo? Napaka swerte mo marahil ikaw ang unang nakakilala sa kaniya. Ang swerte mo marahil ikaw ang mahal niya. Napakawerte mo marahil sa dinami-rami ng babaeng nandirito sa mundo, ikaw ang minahal niya. Alam mo ba kung paano ko nasabing ang swerte mo sa kanya? Marahil alam ko, nakikita ko kung paano niya kalabanin ang sarili niya h'wag ka lang mawala sa kanya. Napaka swerte mo! Napakaswerte mo marahil sa dinami-rami ng babaeng nagmamahal sa kanya dito sa mundo, sayo lang umiikot ang kanyang mundo. Napaka swerte mo dahil palagi siyang nandyan sa tabi mo. Yung tipong kahit ipagtabuyan mo na siya, paulit ulit parin siyang babalik sayo. Marahil mahal ka niya! Oo! Mahal ka niya! Manhid ka ba?! Manhid ka ba, para hindi maramdaman na nasasaktan din siya? Manhid ka ba, para hindi maramdamang hindi lang ikaw ang nasasaktan sainyong dalawa?! Tangina naman pala! Mahal na mahal ka niya! Alam mo ba? Alam mo bang para saakin, ikaw na ang pinaka swerteng babae sa buong mundo. Bakit? Dahil nasa'yo na siya! Nasa'yo na ang lalaking hinahangad ng mga babae sa buong mundo, ang lalaking hinahangad ko. Nakakainggit. Oo, nakakainggit maging ikaw! Nakakainggit maging ikaw marahil napaka swerte mo't sayo napadpad ang puso niyang ligaw. Hindi mo ba alam? Hindi mo ba alam na sa bawat pagkakataon na binabaliwala mo siya, mundo niya'y unti-unting gumugunaw. Oo, aaminin ko. Aaminin ko, nakakainggit maging ikaw. Marahil ikaw! Ikaw lang ang babaeng minamahal niya ng lubos sa mundong ibabaw. Kaya sana, sana'y gumising ka sa reyalidad. Pahalagahan mo siya. Pahalagahan mo siya dahil pag yan napagod, ewan ko na. Ewan ko na kung mahanap ka pa ng lalaking tulad niya. Tulad niya na mamahalin ka ng sobra. Tulad niya na handang talikuran ang buong mundo para lang sayo. Kaya kung ako sayo, pahahalagahan ko siya at ipaparamdam sa kanya na mahalaga siya. Marahil pag yan nakahanap ng iba, magsisisi ka. Na "sana pinahalagahan ko na lang siya." Na "sana hindi ko pinaramdam sa kanya na wala lang siya." Kaya sana! Sana pahalagahan mo siya hanggat mahal ka pa niya.
PS; THIS IS NOT MINE ~ THANK YOU FOR SHARING YOUR SWP BABE 😘
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry Compilation
PoetrySpoken Words It is an oral art that focuses on the aesthetics of word play and intonation and voice inflection. ~ Here's my example of Spoken Words it tackles about Friendship, Love and Everything, and if you want to suggest you can message me so th...