SWP 11

157 7 0
                                    

" ANO NGA BA TALAGA TAYO? "

Lagi kong sinasabi sa sarili ko kung Ano nga ba tayo? Isang tanong na ka'y hirap sagutin, Tayo kasi yung tipo na ang sweet sa isa't-isa pero wala namang namamagitan sating dalawa. Ano nga ba talaga tayo? Dahil ayokong umasa sa ano yung mangyayari at marahil ako nanaman yung masasaktan sa huli. Ano nga ba talaga tayo? Tayo ba yung dapat na magkakatuluyan sa huli? Dahil hindi ko maisip kung saan tutungo yung namamagitan sating dalawa, Saan ba talaga tutungo yung mga binubuo nating dalawa? Hindi ko maisip, dahil ako ay litong-lito na. Pagod na ako sa kakaisip kung san ba talaga at bakit ba ako nahulog sa isang katulad mo?

Nahulog na ako, Oo aminin ko nahulog na ako sa mga kasweetan na pinaparamdam mo na para bang sinalo mo ako. Kumakapit na ako kasi ang akala ko na tayo yung magkakatuluyan sa huli. Hindi ko parin mabatid kung ano nga ba talaga tayong dalawa? Kaya hanggang ngayon hindi ko talaga masabi sa sarili ko na AKIN KA BA TALAGA? Dahil WALA alam kong hanggang dito lang talaga ang lahat. MAHAL KITA AT HINDI KO ALAM KUNG MAHAL MO RIN BA TALAGA AKO?

Spoken Words Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon