" PAGBIBITAW "
Lagi kong sinasabi sa sarili ko na wala na siya, na pagmamay-ari na siya ng iba. Ngunit siya parin ang laman ng puso't isipan ko. Parang kailan lang nung mga panahong kami'y nagmamahalan, pero sa isang iglap ako'y kanyang binitawan. Para siyang isang bula na bigla bigla lang mawawala.
Bakit ba kasi mahirap kalabanin ang puso? Kung kailan gusto mo na siyang kalimutan, dun ka pa niya babalikan, ang traydor ng aking mga isipan. Babalik siya at ipaalala ang mga masasayang alala na kami'y magkasama, at masayang nagmamahalan.
Bakit ba kasi ang hirap turuan ng puso? Dahil ba sa pinipilit ko lang makapag move-on? O di kaya sadyang tanga lang talaga ako? Tama na oh! Tama na yung pagpapa-alala sa mga pangarap na binuo natin noon, tapos na yun. Wala ng tayo. Bumitaw kana at hindi na pwedeng balikan yun.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry Compilation
PuisiSpoken Words It is an oral art that focuses on the aesthetics of word play and intonation and voice inflection. ~ Here's my example of Spoken Words it tackles about Friendship, Love and Everything, and if you want to suggest you can message me so th...