" WALANG IBA "
Siyam na letra na nagsasabing ikaw lang at walang iba.
Kahit madalas tayong nag-aaway hinding-hindi ako magsasawa na sabihin sayo na ikaw lang at walang iba.
Kahit na sinasabi ng aking puso at isip na tama na, napapagod na ako sa ganitong sitwasyon, heto parin ako sa harapan mo na nangangakong hinding hindi kita bibitawan sa laban na 'to, laban nating dalawa.
Ikaw lang yung gusto kong makasama. Ikaw lang yung pinapangarap kong makasama.Walang iba at ikaw lang, yan yung lagi kong sinasabi sa isipan ko kasi mahal kita. Oo mahal kita, pero ikaw 'tong nagbibigay motibo para bumitaw ako.
Mahal, kahit ganito yung mga nangyayari saating dalawa ikaw at ikaw parin pala yung pinipili ng puso ko, ikaw parin pala ang magpapasaya at bumubuo netong puso ko, kaya kahit anong gawin ko ikaw at ikaw parin at WALANG IBA.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry Compilation
PoetrySpoken Words It is an oral art that focuses on the aesthetics of word play and intonation and voice inflection. ~ Here's my example of Spoken Words it tackles about Friendship, Love and Everything, and if you want to suggest you can message me so th...