SWP 03

296 15 6
                                    

"PAGSISISI"

Sabi nila ang hirap pagsisihan ang isang taong napakaraming naibahagi sa buhay mo, yung tipong ang dami dami nyong masasayang alaala na ka'y hirap kalimutan.

Isinulat ko 'to hindi dahil sa nagsisisi ako kung bakit minahal kita, nagsisisi ako kung bakit ikaw pa? Bakit sayo pa? Bakit sayo pa ako nahulog ng husto? Yung feeling na ikaw nakapag move-on na, samantalang ako hirap na hirap na para lang makalimutan ka. Oo, aminado ako na nahihirapan ako dahil sa mga masasayang alaala na pumapasok sa mga isipan ko.

Napag isip-isip ko, bakit nga ba? Bakit ka'y hirap hirap mong kalimutan? Pero feeling ko, parang wala lang! Wala lang sayo yung mga pinagsamahan natin. Ganun na ba ako katanga sa pag-ibig? Pasensya na mahal, minahal lang naman kita, pero hindi ko inaasahang ganun pala, ganun pala yung matatanggap ko sayo.

Pasensya na minahal lang kita. Minahal kita sa paraang alam ko namang sa huli ako ang talo at ikaw ang panalo. Isa nalang ang hinihiling ko, Sana, Di mo pinagsisihang dumating ako sa buhay mo.

Spoken Words Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon