SWP 13

119 6 0
                                    

" T A Y O "

May salitang TAYO ba?
Ay, oo nga pala para sayo WALANG TAYO
Pasensya na mahal, umasa na naman ako.
Umasa na merong ako sa buhay mo.

Pero, masisisi mo ba ako? Masisisi na binigyan mo ako ng dahilan na balang araw ay magkakaroon ng TAYO.
Pero ako naman itong si TANGA, UMASA na naman sa wala. Yung balang araw na magkakaroon ng TAYO ay hindi naman pala magkakatotoo.

Merong ikaw at ako pero walang tayo.
Merong ako na umaasa sayo at merong ikaw na umaasa sa iba.
Walang tayo at yun ang totoo.
May salitang tayo pero walang ikaw at ako

Gets mo ba? Ganun naman talaga magmahal nakakalito~

PS ;; SORRY FOR MY LAME UPDATE~

Spoken Words Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon