" PINAASA "
Naghintay ako kasi sinabi mo,
Naghintay ako kasi gusto ko.
Naghintay ako dahil kumakapit ako sa sinabi mong mahal mo ako,
Naghintay ako kasi buong akala ko sa pagbabalik mo ako parin ang nasa puso mo.
Naghintay ako kasi naniwala ako sa mga kasinungalingan mo. Ang daya daya mo, ikaw itong pinaghintay ako ikaw rin pala itong iiwan ako. Sana sinabi mo nalang na may iba kana nang hindi na akong magmukhang tanga sa kaka-asa na sa muling pagbalik mo ako parin yang nasa puso mo.Pinaasa mo ako na tayo ang magkakatuluyan sa huli, ngunit sa bandang huli ako'y iniwan mong muli. Nasaan na yung mga katagang sinabi mong "Mahal kita at wala ng iba." Mahal, nasaan na? Nasaan na yung mga pinangako mong ako lang ang nag-iisa? Ano ba talaga? Ano ba talaga ako sayo? Ako lang naman 'tong simpleng babae na naghahangad na sana hindi nalang kita nakilala, dahil ayokong magmukhang tanga sa kaka-asa sa isang katulad mo.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry Compilation
PoesíaSpoken Words It is an oral art that focuses on the aesthetics of word play and intonation and voice inflection. ~ Here's my example of Spoken Words it tackles about Friendship, Love and Everything, and if you want to suggest you can message me so th...