SWP 20

120 3 0
                                    

" Huling Iyak "

Isang daang luha ang pumapatak galing sa malungkot kong mata,
Luha na napaka-sakit at napakapait.
Sakit yung naramdaman ko nung sinabi mong iiwan mo na ako.
Iniwan mo ako sa walang kadahilanang rason.
Bakit ganito pa yung nangyari sa ating dalawa?
Bakit kailangan may masaktan at mang-iwan sa ating dalawa?
Ganun na ba kadali sa'yo ang lumisan at hindi magpaalam?

Isang daang tanong ang pumapasok sa aking  isipan,
Isa na doon kung ano pa ang halaga ng buhay ko kung wala ka na sa piling ko?
Mahal, Hinahanap-hanap pa rin kita pero anong magagawa ko kung Lumisan ka na sa buhay ko? Paano na ang buhay ko kung wala na yung taong magpapangiti sa malungkot kong mukha?

Isang daang alaala ang nakabaon sa puso ko, bakit kahit saan ako mapadpad ikaw at ikaw parin yung hinahanap ng isipan ko?
Hayaan mo mahal, makakabangon din ako sa mga masasamang alalaala mo. Sobrang sakit lang, sakit na iniwan mo akong nag-iisa sa mundong 'to. Pinapangako ko na ito na ang pinakahuling iyak ko para sa'yo.

Spoken Words Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon