SWP 09

173 10 5
                                    


" AYAW NYA NA "

Kung ayaw niya na, palayain mo na at wag ka nang manghabol pa at sasabihing "mahal kita" dahil baka hindi na siya maniniwala pa.

Kaya kung ayaw niya na, pabayaan mo na siyang hanapin ang sarili niya para makalimutan ka, dahil kahit man na ayaw niya na mahal ka parin niya pero napagod lang siya.

Kaya ngayong ayaw niya na, hayaan mo na siyang maging masaya dahil sa tinagal-tagal nung kayo pa hindi na siya masaya sa mga ginagawa mo sa kanya.

Masaya siya kapag nakikita ka niya at magkasama kayong dalawa, masaya siya kapag nabibigyan mo siya ng kahit kaunting oras mo, kaya nagpapasalamat siya sayo.

At ngayong sinabi niyang ayaw niya na, sana ay sabihin mo rin ang mga katagang "papalayain na kita".

Masakit para sa kanya ang bumitaw na dahil alam niyang mawawala ka pero bago siya sumoko sinigurado niya muna ang sarili niya kung makakaya ba niya ang mawala ka.

Bago siya naglakas loob na magsabi sayo ay nagdalawang isip muna siya kung tama ba ang gagawin niya dahil mahal ka parin niya at ngayon, nakapagdesisyon na nga siya.
 
Nagpaka-tanga na siya kaya palayain mo na para mahanap niya na ang sarili niya at maging masaya nang wala ka.

Kahit mahal mo parin sya, hindi na pwedeng maging kayo. Siguro tama nga yung sinasabi nilang "Ipinagtagpo ngunit hindi itinadhana" ayaw nya na at siguro pagod na siya.

Spoken Words Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon