SWP 21

105 4 0
                                    

" PAALAM "

Paalam, napakasakit na salita lalo na't alam nating pareho na hanggang dito nalang, hindi na pwede. Tama na, Tigil na.
Wala nang kasunod na kabanata.

Paalam, kahit ang saya natin nung una, pero lahat ng ito ay may katapusan at  kailangan nang tuldukan.

Paalam, hindi natin parehong alam kung maibabalik pa ba ang dati nating samahan, tawanan, at iyakan. Ewan ang tanging sagot saaking mga isipan.

Paalam, kahit tayo ay nagpaalam na sa isa't isa umaasa parin ako na sana bukas makalawa ay magkasalubong tayo sa kalsada.

Paalam, na kahit imposible mangyari. Nagbabakasali akong makita kita at magpaalam man lang sa huling pagkakataon.

Mahal, salamat sa lahat lahat. Siguro kailangan ko nang tigilan 'to! Sabi ng mundo at ng tao sa paligid ko, hindi lang sapat ang nagmamahal kailangan maging handa ka rin sa mga sandamakmak na paalam galing sa taong pinakamamahal mo.

Spoken Words Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon