SWP 12

148 15 2
                                    

" Naglaho ang Pag-iibigan sa isang iglap "

Akala ko tayo na,
Akala ko tayo na hanggang dulo,
Akala ko ikaw na yung para saakin at ako na yung para sayo.

Pero akala ko lang pala ang lahat.
Nagbago ang lahat sa isang pitik lang ng kamay ni tadhana. Sa isang pitik na lahat ay nawala na.

Lumaban at nasaktan ako dahil alam kong magiging worth it ang lahat.
Pero kahit anong gawin kong ipaglaban sa relasyon na 'to at kung ang tadhana na ang nagdesisyon na WALA NA, wala na tayong magawa at hindi ko na rin mapigilan ang pagdadating ng WAKAS.

Mahal, lumaban na ako't lahat-lahat pero hindi ko pa rin nasisigurado kung ikaw, yung ipinaglalaban ko ay hindi susuko. Kahit gusto kong baguhin yung nakatadhana para saatin. Kung ikaw mismo yung susuko wala na akong magawa kundi palayain ka.

"LIBRO NGA AY MAY WAKAS, RELASYON PA KAYA?"

Spoken Words Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon