"KAIBIGAN"
Isang salita at walong letra, walong letra ngunit napakadaming kahulugan,
Walong letra na nagbibigay lungkot at kasiyahan, Walong letra na siyang dahilan ng lahat."KAIBIGAN" ang daling bigkasin ngunit dami daming pumapasok sa isipan, natandaan mo yung mga panahong paano tayo nagkakilala? Yun ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko, dahil nakilala ko yung taong makakapag bigay kulay sa napakalungkot kong buhay.
Sabi ng nakararami ang hirap daw hanapin ang tunay na KAIBIGAN. KAIBIGAN na kaya kang ipaglaban, pero para sa akin siguro nga ang swerte ko na kasi may mga KAIBIGAN akong kaya akong pasayahin kapag ako'y nalulungkot, kaya akong intindihin kapag ako'y nag dadrama, wala na siguro akong hihilingin pa sa Diyos kundi ang isang napakaganda nyang regalo na KAIBIGAN.
BINABASA MO ANG
Spoken Words Poetry Compilation
PoetrySpoken Words It is an oral art that focuses on the aesthetics of word play and intonation and voice inflection. ~ Here's my example of Spoken Words it tackles about Friendship, Love and Everything, and if you want to suggest you can message me so th...