SWP 18

123 4 0
                                    

" DATING TAYO "

Naalala mo pa ba mahal yung mga ipinangako mo nung TAYO PA?
Naalala mo pa ba yung mga ipinangako mong AKO LANG AT WALANG IBA?
Naalala mo pa ba? Kasi ako OO, naaalala ko pa.

Pero ngayon, nasaan ka na?
Nasaan ka nung kailangan kita?
Nasaan ka nung ako'y nag-iisa?
Nasaan ka na ba mahal ko?
Nasaan na yung DATING TAYO?

Iniwan mo nalang ako na parang bula,
Iniwan mo nalang akong nag iisa.
Iniwan mo akong nagdurusa,
Ang sakit sakit na.

Kinaya ko parin kahit ang sakit sakit na.
Kinaya ko ang lahat kasi mahal pa kita.
Pero, kulang pa rin pala yung mga ipinapakita kong pagmamahal para sayo. Humanap ka parin ng iba na ikakasakit ng damdamin ko. Ano bang meron siya na wala ako? Ano bang meron siya at nagawa mong ipagpalit ako? Tama na mahal, tama na. Nasasaktan na ako, siguro magpapahinga nalang muna ako at hahayaan na kita sa piling niya. Kung handa ka na saka na kita ipaglalaban ulit.
Upang ipagsigawan ko na sa buong mundo na tayo na ulit, pero siguro hindi na pwede, hindi na pwedeng maibalik yung DATING TAYO?

Dahil tapos na pala tayo at meron nang kayo. Salamat nalang dahil nakilala kita,
Salamat nalang sa pagmamahal mo.
Salamat. At hanggang dito nalang ~

Spoken Words Poetry CompilationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon