-Erhailah-
It's been two months since I started working for Mr. Charlie Park. So far, maayos naman ako. No doubt, Sir Charlie is very kind to me--well sa lahat naman. Dannie and Nica became my friends kahit na sobrang naririndi ako sa ingay nilang dalawa. Lei is still bitchy and salty to me, nilamon na ata ng selos. Pasalamat talaga siya at hindi ko siya pinapatulan. Psh.
Si Ate at Kuya Blake binisita kami nung isang araw sa dito kumpanya. Ang kulit ng dalawang yun, pinagpipilitan kaming dalawa. Tanging tawa lang ang sagot sa kanila ni Sir, ako naman, parehas ko silang hinampas. Hinawahaan na ni Kuya Blake si Ate ng kabaliwan niya. Psh.
Sinimulan nila akong asarin nung nagtanong ako sa kanila ng tungkol kay Erliyah Santos, mga baliw eh. Psh.
Alam niyo bang umuulan ng papuri si Erliyah mula sa kanilang dalawa? Hindi ko pa siya nakikilala at nakikita sa personal pero base sa mga kwento nila-- mukhang totoo ang sinabi nina Dannie na close to perfection na si Erliyah. Kaya siguro hirap si Sir na kalimutan siya. Well, nakita ko na daw yun sabi ni Ate sa ospital kaso nga aligaga ako at hindi ko siya napansin. Siya daw yung nauna dun sa ospital at akala niya boyfriend niya yung naaksidente-- ayun pala sa ibang ospital dinala. Sana katulad niya, nagkamali na lang din sila na si Nathan yung namatay, edi sana-- I shook my head, ayoko na, ayoko ng umasa na may mababago pa.
Dala dala ang mga kape na inuutos sa akin ni Sir Charlie ay pumasok ako sa board room kung nasan kasalukuyan niyang kausap si Mr. Smith-- isa sa pinakamalaking investor nila. I served them the coffee and I politely bowed.
Aalis na sana ako ng magsalita si Mr. Smith, "Pwede mo siyang isama kung ayaw mong mag-isang pumunta." nakangiting sabi ni Mr. Smith.
"Ako po?" takang tanong ko at nilingon ko si Sir Charlie. Mukha naman siyang nag-aalala.
"We'll talk about it, Mr. Smith." sabi niya sa kausap.
Tumango si Mr. Smith at tumayo na, "Okay, I hope you'll come. I'll go now para makapag-usap kayo." sabi ni Mr. Smith. Tumayo na din si Sir Charlie at nagpasalamat, tumango na rin ako kay Mr. Smith bago siya lumabas ng board room.
Paglabas niya ay malakas na bumuntong hininga si Sir Charlie, "Anong problema?" tanong ko. Sanay na akong maging casual sa kanya, more like sinanay niya ako.
"Hindi pa pinirmahan ni Mr. Smith ang kontrata." sabi niya.
"Hala? Bakit?" gulat kong tanong. Matagal naming plinano ang presentation niya para kay Mr. Smith, sigurado akong ginawa ni Sir ang best niya, kaya bakit di pinirmahan?
"Well, everything is fine. Nagustuhan niya ang presentation and all. Kaso--"
"Kaso ano?"
"Gusto niyang umattend muna ako sa kasal niya. Well, 50th wedding anniversary nila ng asawa niya at para icelebrate yun ay magpapakasal ulit sila. I need to attend that wedding to get him sign the contract." sabi niya.
I went blank for seconds bago ako ulit nakapagsalita, "And what's the problem with that?" I asked.
He sighed, "If you're not comfortable coming to the wedding with me, okay lang. I know na may hindi ka magandang karanasan sa--"
"Sir, trabaho ko yun. Don't make everything easy for me. Alam kong kapatid ako ng asawa ng kaibigan mo pero hindi mo kailangan maging sobrang bait sa akin. If I need to come with you in that wedding, sasama ako. And besides, hindi lang naman ako yung may hindi magandang karanasan sa kasal. Allergic ka rin dun, di'ba?" sabi ko. Honestly speaking, parang wala naman talaga akong trabaho. Minsan nga ay ayaw pa niya akong utusan. Yung pagbili ko ng kape kanina? Ako pa ang nag-insist na ako na ang bibili dahil trabaho ko naman iyon. Sobra niyang bait.
BINABASA MO ANG
What If We Love Again? (OTS: Sequel)
Romantik"I don't believe in love anymore." - Erhailah Millen Alcantara