Twelve: The Day We Say Goodbye

399 19 3
                                    

-Erhailah-

Tatlong araw na ang nakakalipas mula ng pumunta dito sa kumpanya si Erliyah. Actually, yung dinner namin na dapat ay nung nakaraan pa ay di matuloy tuloy dahil sa conflict of schedules nilang magkakaibigan. Ngayon lang nila na'finalize at mamayang gabi na iyon. Kinakabahan nga ako kahit na sinabi sa akin ni Ate na mababait naman daw lahat ng kaibigan ni Charlie. Tsaka ipinakita na din sa akin ni Ate yung mga Facebook account ng mga yun para daw medyo ma'familiarize ako. Di ko nga alam kung mga totoong tao pa ba sila eh, lahat sila magaganda at gwapo. Sigurado akong sikat na sikat sila nung nag-aaral pa sila, they're a group full of visually gifted people.

"Alam mo para kang timang, bessy!" inis na sabi sa akin ni Dannie.

"Ano na namang ginawa ko?" tanong ko. Magkakasama kasi kaming tatlo dito sa may pantry, kumakain ng miryenda.

"Bat mo iniiwasan si Sir? Wala naman siyang kasalanan ah? Kaasar ka naman bessy eh!" maktol niya.

"Oo nga!" pag sang-ayon ni Nica.

"Di niyo kasi maintindihan eh." sagot ko na lang at bumuntong hininga.

Oo, nitong mga nakaraan ay iniiwasan ko si Charlie. Kung bakit, di ko nga din alam, basta bigla na lang kasi akong nailang sa kanya eh.

"Napansin ko na ganyan kayo mula nung nagpunta dito si Ma'am Erliyah eh! May nangyari ba?" usisa ni Nica.

Umiling ako, "Wala naman." sagot ko.

"Oh wala naman pala eh, bat ganyan ka?" tanong ni Dannie.

I shrugged, "May something kasi eh." sabi ko.

"Something na ano?" panabay nilang tanong.

"Basta may naramdaman akong iba nung nakita ko si Erliyah. Di ko alam kung paano ko ieexplain eh." pag-amin ko sa dalawa. Nagkatinginan naman sila.

Hinawakan ni Nica ang kamay ko, "Naiintindihan ka namin." sabi niya.

"Talaga?!" gulat kong tanong at tumango naman silang dalawa.

"At alam mo kung anong dapat nating gawin?" sabi ni Dannie.

Umiling ako, "Ano?" tanong ko.

"Magpaganda ka pang lalo! May dinner kayo mamaya, di'ba? Wag mong hayaang lumingon sa iba si Sir! Halika dali!" sabi nung dalawa at hinila ako.

~*~*~

Matapos kong magpalit ng dress na ibinigay sa akin ni Charlie kahapon ay sinimulan na nina Dannie at Nica na gawing coloring book ang mukha ko. Nag-aayos at nagmemake-up naman ako pero nung nilatag nila lahat ng gagamitin nila sa akin ay napanganga ako. Foundation, eye shadows, mascara at lipstick lang kasi ang akin pero yung kanila? Pwede na ata silang magtayo ng parlor sa dami nilang abubot na meron.

Biglang naging mini parlor tuloy itong pantry dahil sa aming tatlo. Mabuti na lang ay walang tumatambay dito pag hapon liban sa amin.

Halos mag-iisang oras na ata kami pero hindi pa rin sila tapos na kulayan ang mukha ko. Si Dannie ang in charge sa make up ko samantalang si Nica naman ang sa hairstyle ko. Hindi ko nga mapigilang mapakunot ng noo kapag may mga sinasabing beauty terms si Dannie kagaya ng base, contour, dewy, moist at kung ano ano pa. Hindi ko nga alam kung bakit ako pumayag na pag-eksperimuntuhan ako ng dalawang baliw na ito. Haayyy!

What If We Love Again? (OTS: Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon