Six: Happier

319 15 7
                                    

-Erhailah-

"Uy, girl! Sasabay ka ba sa aming mag-lunch?" tanong ni Nica.

Umiling naman ako, "May meeting si Sir sa may Ortigas baka dun na din siguro kami maglulunch." sagot ko.

Mabilis naman na lumapit sa akin si Dannie, "Umamin ka nga! May something na sa inyo ni Sir noh?! Yiieee!" sabi niya at tinusok tusok pa ang tagiliran ko.

Natawa naman ako, "Baliw, part yun ng trabaho ko. Anong something sinasabi mo dyan?" sagot ko.

"Oh tignan mo! Tumatawa ka na pati ngumingiti! Hala! Si Sir lang pala ang makakapagpangiti sa'yo eh." sabat ni Nica.

Kaya natigilan ako, I smiled? I laughed? Talaga ba? Teka bat parang ang weird sa pakiramdam? Kahit si Ate sinasabihan din akong medyo bumabalik na daw ako sa dati. Am I really changing back to my old self? That's a good thing, right? Mukhang nakaka-cope up na ako.

"Alam mo EM, you're a thousand times prettier when you smile. Kaya ngiti ngiti din pag may oras ka. Wag ka ng magpakalugmok sa kahapon." sabi ni Nica.

"Oo nga, bessy! Tapos hanap ka na din ng lovelife para pak ganern na! Hahaha!" biro pa ni Dannie.

I just smiled, "Mga baliw talaga kayo!" sabi ko na lang.

"Malay mo si Sir na pala yung para sa'yo? Ayiiiie! In fairness, bagay naman kayo eh! Hahaha!" sabi ni Nica.

"Yah right! Tsaka lagi kayang nakatingin sa'yo si Sir, kunwari may ginagawa ka tas ayun nakatingin lang siya sa'yo sabay ngingiti. Lahhhh! Kilig akooooo! Tsaka ikaw rin kaya nahuhuli ka namin minsan na titig na titig kay Sir! Umamin na kasi kayong dalawa!" dagdag pa ni Dannie.

"Tapos ang tawag sa'yo ni Sir, Millen. Oha! Special na special, second name basis sa'yo, ayaw ng may kaparehas. Hihi!" sabi ni Nica. Kung alam lang nila bakit Millen ang tawag sa akin ni Sir. Psh.

"Wag nga kayong issue makers. Pag kayo narinig ni Lei dyan, bahala kayo. " suway ko.

"Eh ano naman? Totoo namang bagay kayo ni Sir eh! Cute niyo kayang dalawa tignan! I ship you two na! Emegesh so kilig! Anong magandang ship name--CharLen? HaiLie? ErLie?" kilig na kilig na sabi ni Nica na may pahampas hampas pa sa akin. Andami niya talagang alam. Psh.

"Bagay ba talaga kami?" sabay sabay kaming napalingon ng may biglang nagsalita sa likod namin.

Anak ng pitong milyong kabayo! Nadinig niya?! Bunganga kasi ni Nica eh, pahamak!

Umiling ako, "B-Biruan lang yun." sabi ko at nag-iwas ng tingin. Paano, nakangiti na naman siya.

"Oo nga sir, biruan lang yun pero kung gusto niyo pong totohanin, keribels lang!" sabi ni Nica kaya di ko napigilang kurutin siya. Bat ba ang daldal niya?!

Tumawa naman si Sir kaya napatingin ako sa kanya, hindi ba dapat i'deny niya? Napa-iwas ako ng tingin ng bigla siyang maglipat ng tingin sa akin, "Millen, let's go?" he asked.

"H-Huh? San?" gulat na tanong ko.

He chuckled, "Nakalimutan mo ba? May meeting ako sa may Ortigas ngayon, di'ba?" sabi niya.

What If We Love Again? (OTS: Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon