-Erhailah-
I can't erase the smile off my face as I'm looking at my ticket and a backstage pass for Ed Sheeran's concert!
I became a fan of Ed since nung napakinggan ko yung kanta niya na ginamit sa 'The Fault In Our Stars' kaya nung nag-announce ng concert niya dito sa Pilipinas ay nag-ipon agad ako. Kanina pa ako nakapila para bumili ng ticket sa concert niya kaso nagloko yung system kaya huminto ang bentahan. Actually, nawawalan na talaga ako ng pag-asa dahil ang bilis mabili ng ticket niya at baka maubusan ako dahil nasira yung system dito sa pinagpilahan ko habang yung iba ay nakakabili na. But then my knight in shining armor, came here to tell me na nabilhan na daw niya ako ng ticket for the concert plus backstage pass! Hindi ko nga napigilang mapatili ng iniabot niya sa akin iyon. I don't know how he did it, connections na rin siguro.
"By, you've been staring at that ticket for 10 minutes. Are you really that happy?" he asked then chuckled.
"Idol ko talaga si Ed, you know that." sagot ko.
Tumabi ako sa kanya at yumakap, "Thanks talaga! Akala ko mamimiss ko yung concert niya dito pero dahil sa'yo makikita ko na ang idol ko! Ahhhhh! Ang saya ko talaga!" sabi ko.
"May bayad yan." sabi niya kaya napalayo ako sa kanya.
"Magkano?" tanong ko. Sayang, akala ko pa naman nakatipid ako ng 15K.
He smiled, "Not magkano, more of ano." sabi niya.
Napanguso ako, "Pasalamat ka, gusto ko talagang makapunta sa concert. O sige, anong bayad?" tanong ko.
"Tsaka ko na sisingilin kapag trip ko na. Haha!" sagot niya.
I shrugged, "Ikaw bahala." sabi ko na lang.
~*~*~
Maaga pa pero nandito na kami ni Charlie sa venue ng concert ni Ed. Mamayang 6pm pa daw pwedeng pumasok yung may mga backstage pass, kaya kailangan pa naming mag-intay ng dalawang oras. Para akong ewan na nakangiti habang nakikita kong andaming tao at puro kanta ni Ed Sheeran ang pinakikinggan nila.
Nagulat ako ng may burger na tumapat sa mukha ko,"Eat this." sabi niya.
"Di ako gutom." sagot ko.
Ngumuso siya, "Aish. Kailangan mong kumain, matagal pa tayo dito." sabi niya. At dahil ayaw ko ng mag-away pa kami ay kinuha ko na yung burger at kinain ito.
"Good girl." he utttured.
"Psh. I'm not a dog." sagot ko pero tinawanan niya lang ako.
Kanina pa talaga kami dito ni Charlie, hindi nga siya pumasok ngayon para lang masamahan ako eh. Feeling special tuloy ako. Hahaha!
~*~*~
"Tara na!" sabi ni Charlie at naglahad ng kamay sa akin.
"San?" tanong ko.
"Papasok na daw yung may backstage passes." sabi niya.
Halos mapalundag ako sa sinabi niya, "Weeeeh?!" malakas kong sabi dahilan para lingunin kami nung iba. Napatungo tuloy ako bigla.
I heard Charlie's chuckles tapos hinawakan na niya ang kamay ko at nagsimula na kaming maglakad papuntang backstage.
Mga sampung tao lang siguro kaming may backstage passes kaya laking pasalamat ko talaga kay Charlie at naikuha niya kaming dalawa ng passes.
BINABASA MO ANG
What If We Love Again? (OTS: Sequel)
Romance"I don't believe in love anymore." - Erhailah Millen Alcantara