Seven: Nathan Dela Vega

288 18 0
                                    

-Erhailah-

Nitong mga nakalipas na linggo ay pinipilit kong iwasan si Sir. There's something weird about me kapag nandyan siya kaya mas mabuti ng pigilan ko na habang hindi pa malala. Prevention is better than cure, di'ba?

Tsaka obvious naman na mahal pa niya yung ex niya, ayokong umabot sa puntong masasaktan na naman ako. I had enough of pain, I can't handle more of it.

Kringgg... Kringgg...

"Napatawag ka 'te?" sagot ko.

'Di ka daw pumasok? Okay ka lang ba?' tanong niya.

"Paano mo nalaman?" takang tanong ko.

'Sabi ni Charlie eh, nagpaalam ka daw. Anong sakit mo? Puntahan kaya kita dyan sa apartment?' sabi niya.

"Wag na, ate. Okay lang ako. Nilalagnat ako kagabi pero nakainom na ako ng gamot kanina kaya medyo okay na ang pakiramdam ko." sabi ko.

'Baliw ka talagang babae ka! Wag mo namang sagarin ang katawan mo.' paalala niya.

Tumawa ako, kung alam niya lang, halos wala naman akong ginagawang trabaho. Sa biyahe lang naman ako napapagod eh.

"Okay lang ako, ate." sabi ko.

'Sige, tatawagan ulit kita mamaya ah? Kapag di ka pa rin okay hanggang mamaya, pupunta na talaga ako dyan.' sabi niya.

"Okay~ bye, ate." sabi ko at binaba ang tawag.

Pasado alas dos na pala? Pinakiramdam ko ang sarili ko kung kaya ko ng tumayo. Medyo masakit din kasi ang likod ko. Medyo masakit pero kailangan kong bumangon dahil wala namang ibang tao dito na magluluto para sa akin.

Bumaba ako sa kusina, tinignan ko kung ano pang laman ng ref ko. Psh, puro tubig ang laman. Kailangan ko ng mag-grocery. Buti na lang at may nakita akong canned mushroom soup sa may taas ng ref. Ayun na lang yung niluto ko at isinabaw ko sa kanin.
Kumakain ako habang nanonood ng spongebob. Kabisado ko na ang bawat episode ng spongebob pero hindi pa rin ako nagsasawa sa kapapanood nito. Ang isip bata ko ba? Paborito kasi namin ni Nathan ito. Sabi kasi ni Nathan ako daw si Spongebob tas siya si Patrick. Best buddies forever daw kasi kaming dalawa. Namuo na naman ang mga luha ko ng maalala ko si Nathan. Agad kong pinunasan iyon at nag'focus sa panonood at pag kain ko.

Kahit papaano naman ay nabusog ako sa kinain ko. Ang hirap mag-isa, kung sana nandito si Nathan-- aish! Erhailah, tigilan mo nga ang pagsself pity at pagrereminisce. Utang na loob lang!

Tumayo na ako at nagpunta sa kusina para hugasan ang mga pinagkainan ko. Pagkatapos nito ay matutulog na lang ako para hindi na ako malungkot. Kung hindi lang talaga masama ang pakiramdam ko, papasok ako eh. Kaysa nandito ako, at least sa trabaho ko, may nakakasama ako--sina Nica at Dannie.

Tok... Tok...

Natigil ako sa ginagawa ko ng may kumatok sa gate ng apartment ko. Teka? Nagbayad na ba ako sa kuryente? Wag naman sana taga-meralco ang kumakatok. Nag-ayos ako saglit tsaka lumabas.

What If We Love Again? (OTS: Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon