-Charlie-
"Ladies and gentlemen, I present to you the loving couple, Mr. and Mrs. Wu." the priest announced.
Malakas na palakpakan ang pumuno sa buong simbahan. Kanya kanyang kantyaw din ng mga kaibigan namin ang nagpapatawa sa mga tao dito kahit na ako ay natatawa na lang din.
Ibinalik ko ang tingin ko sa bagong kasal, napangiti ako pero hindi ko pa rin maiwasang--
"You're a great man, Charlie. Bilib ako sa'yo, sobra." at naramdaman ko ang tapik sa akin sa balikat ni Kuya Eros.
Ngiti na lamang ang tanging naisagot ko. Lagi ko namang nadidinig yan eh, na napakabuti kong lalaki. Minsan nga nagtataka ako, kung mabuti talaga ako, bat ganito? Bat hanggang best man lang ako sa kasal ng babaeng mahal na mahal ko? Pero okay lang, masaya naman siya kay Kristofer eh. Masaya naman sila kaya okay lang. Okay lang talaga.
~*~*~
"Uuwi ka na talaga? Wag muna, minsan lang tayo mabuo oh!" sabi sa akin ni Aliyah.
Napakamot ako sa batok ko, "Maaga kasi flight ko bukas eh." sagot ko.
"Boring mo talaga kahit kelan puro ka trabaho!" kantyaw ni Thunder.
"Oo nga! Charlie kasal na sila kahit isubsob mo sarili mo sa trabaho wala ng magbaba--"
BINABASA MO ANG
What If We Love Again? (OTS: Sequel)
Romance"I don't believe in love anymore." - Erhailah Millen Alcantara