-Erhailah-
Dalawang buwan na ang nakakalipas. Nandito ako ngayon sa Batanes. Tinulungan ako ni Ate at Kuya Blake na makahanap ng matutuluyan dito. Sa dalawang buwan ko dito, wala akong ibang ginawa kundi mag-reflect sa buhay. Luckily, medyo ayos naman ako. Nakatulong ang magandang atmosphere dito sa Batanes, nakakalma ako. Masyadong magulo kasi sa Manila lalo lang akong naii'stress dun.
Kagaya ngayon, nandito ako sa may cliff at tanaw na tanaw ko ang magandang karagatan habang dala dala ko ang kape ko, ang sarap ng hangin para akong niyayakap. Siguro nandito si Nathan at binabantayan ako.
Simple lang ang pamumuhay dito kaya nga dito ko napiling magbakasyon. Malayo sa sibilisasyon. Malayo sa lahat. Nakakapag-isip ako ng maayos at nailalabas ko ang mga emosyon ko. Dito pwede akong maging mahina kasi hindi makikita ni Ate, ni Noah, o ni Kuya Blake. Dito tanging ako at ang mga alaala ni Nathan lang ang kasama ko. Pumunta ako dito para sana subukang kalimutan ang lahat-- pero hindi ko talaga kaya. Mag-isa man ako o may kasama, naalala ko pa rin si Nathan. Madami pa rin akong what ifs. Hindi na talaga siguro iyon mawawala kahit anong gawin ko.
Nagulat ako ng biglang magvibrate ang phone ko, "Hello? Ate?" sagot ko.
'How are you?' tanong niya.
"I feel better." sagot ko.
'Good. EM, two months na--balik ka na dito? Papasok na si Noah next week.' kwento niya.
"Talaga? Hahatid niyo ni Kuya?" tanong ko.
'Oo.'
"Sama ako! Alam ko namang mana sa tita yang si Noah eh. Kailangan andun ako sa first day niya." sabi ko.
'U-Uuwi ka na?' tanong niya.
"Yeah. Uhh--Ate?" sabi ko.
'Ano yun?'
"Ate sorry kung lagi kong pinapasakit ulo mo ah? Sorry kasi may pamilya ka na pero kailangan mo pa akong alagaan. Sorry ate kasi mahina akong kapatid." sabi ko at nagtuloy tuloy na ang luha ko. Si ate na lang kapamilya ko at alam kong dumadagdag pa ako sa iisipin niya dahil sa nangyari sa akin.
'Baliw ka ba? Bakit ka nag-sosorry dyan? Magkapatid tayo--pamilya tayo, walang iwanan. Collect yourself and go back here! Miss ko na yung kapatid ko, dalawang taon na kasi yun nawawala. Sana this time, makita ko na ulit siya.' sabi niya.
Pinunasan ko ang mga luha ko, "Uuwi na ako, Ate." sabi ko.
~*~*~
Nagising ako at bumungad na ulit sa akin ang kwarto ko sa apartment. Nakauwi na ako dito sa Manila. Kahit papaaano naman ay nakatulong ang pamamalagi ko sa Batanes sa akin. Hindi na ako umiiyak kada gabi--minsan na lang kapag sobrang miss ko na talaga si Nathan.
BINABASA MO ANG
What If We Love Again? (OTS: Sequel)
Romance"I don't believe in love anymore." - Erhailah Millen Alcantara