Thirteen: Too Late

344 18 11
                                    

Note: italicized words are for flashback purposes. Thanks :)

-Erhailah-

Nagising ako sa tunog ng alarm clock ko, agad naman akong bunangon para mag-agahan, linggo naman ngayon kaya wala akong pasok.

Sa ibang kumpanya na pala ako nagtatrabaho ngayon. Nag-resign ako last last week matapos ng 'closure' namin ni Charlie. Ang kapal naman kasi ng mukha ko kung magpapakita pa rin ako kay Charlie matapos ang ginawa ko sa kanya. Sinabi ko na kay na Ate ang nangyari sa amin, syempre nagulat siya pero wala naman na silang magagawa pa, we ended it already.

Sa totoo lang masakit, sobra. Kasi ngayon ko lang naranasan ang 'closure', wala naman kasi kaming closure ni Nathan noon bigla lang siyang nawala--literal.

Hanggang ngayon fresh pa rin sa utak ko yung pag-uusap namin, yung mga salitang binitawan niya, yung nasaktan ko siya, yung tinapos na namin yung kami kahit di pa man nagsisimula.

~*~*~

"Charlie, itigil na natin ito. Thank you for everything but I don't think we're meant to last. We tried but maybe we just aren't each other's happy ending. I'm very sorry for hurting you." sabi ko habang tumutulo ang luha ko.

"Tell me, what do you want me to do?" he asked.

"Ano?"

"I'll let you decide, do you want me to chase you or just let you go? Ikaw na mag-decide, susundin ko na lang. Nakakatakot na kasi kapag ako na naman ang nagpasya para sa akin, lagi akong mali, lagi lang akong nasasaktan." sabi niya.

"Charlie..."

"But you know what, Millen, kung di mo ako kayang paniwalaan na mahal kita, wag na lang. Naglolokohan lang tayo, magkakasakitan lang tayo and I don't want you hurting kahit sinaktan mo ako ngayon." sabi niya sabay ngiti ng pilit.

Napakagat ako sa labi ko, bakit parang gusto ko ng bawiin ang sinabi ko kanina? Bakit ganun? Ang sama ko ba?

"What do you want me to do?" he asked again.

I cleared my throat, "P-Please, let me go. I don't deserve your love. I'm sorry." I answered.

What If We Love Again? (OTS: Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon