Ten: Revelation

252 15 9
                                    

-Erhailah-

Isang buwan na mula ng 'manligaw' sa akin si Charlie. Alam na ni Ate at Kuya Blake at pinakiusapan ko sila na wag munang ipagkalat, nakakahiya kasi eh. Alam na din ni Mommy Park yung tungkol sa amin at sobrang saya ko ng walang ano ano ay tinanggap niya ako. Sobrang bait at spoiled din ako sa kanya--parehas na parehas silang dalawa. Last week nga ay isinama pa ako ni Mommy Park mag-shopping.

Gustong gusto na nga rin ni Charlie na ipakilala ako sa mga kaibigan niya pero ewan ko, nahihiya ako. Syempre, hindi ko sila ka-level tho sabi ni Ate mababait naman daw lahat ng kaibigan ni Charlie pero tsaka na kapag nagkalakas na ako ng loob harapin sila.

Hanggang ngayon itinatago pa rin namin ni Charlie yung 'kami' dito sa kumpanya. Ayoko kasing mapag-usapan kami, ayokong may madinig na kung ano ano. Medyo nakokonsyensya nga ako kay na Dannie at Nica dahil hindi ko pa sinasabi sa kanila, alam ko kasing uulanin ako ng pang-aasar mula sa dalawang baliw na iyon. Tsaka nanliligaw palang naman, hindi pa rin naman kami ni Charlie.

1 month palang pero pakiramdam ko ang tagal tagal na niya akong nililigawan. Nasanay kasi agad ako sa presensiya niya, sa pagiging manliligaw niya. He's just too good to be true. Sobra niyang bait, sobrang sweet, lahat ata ay sobra sa kanya--pero di'ba lahat ng sobra masama? Haaay! Ewan!

Napatayo ako ng biglang matapon yung juice sa table. Nandito kasi ako ngayon sa pantry at inaantay sina Dannie at Nica para sabay sabay kaming maglulunch. Nag-angat ako ng tingin and I was not surprise ng makita ko ang nakakainis na mukha ni Lei. These past few weeks basta simula ng malaman ng mga tao dito sa kumpanya na may dinedate si Sir ay hindi na pinatahimik ni Lei ang buhay ko. Palagi siyang may kung ano anong ginagawa para mapa-amin ako kung sino ang nililigawan ni Sir but there's no way I'll be telling her that that's me. Paniguradong mas lalo lang siyang mag-aalburoto. Ayoko ng gulo.

"Lei, tigilan mo nga si Erhailah! Wala kang mapapala sa pambubully mo sa kanya." suway sa kanya ni Rei na kasamahan niya sa department na nandito din sa pantry. Actually, madaming tao dito dahil break time kaya madaming nakakakita ng pagmamaldita sa akin ni Lei.

Hindi ko siya pinapatulan dahil sayang lang sa laway at oras ko. Di na lang ako nagsalita at pinunasan ko na yung juice na natapon. Antagal naman nina Dannie at Nica, naiinis na ako kay Lei dito at baka di ko mapigilan at patulan ko pa itong baliw na ito.

"Bakit ba ayaw mong sabihin kung sino yung nililigawan niya? Nagtatanong naman ako ng maayos ah?! Sasabihin mo lang yung name at patatahimikin na kita." sabi niya.

Tinignan ko siya, "Because you don't need to know." I answered her. Nakita ko ang pagpula ng buong mukha niya dahil sa inis. Ayun pa lang sinabi ko, ganyan na siya? Paano pa kung papatulan ko talaga siya? Kawawa siya.

Nagulat na lang ako ng maramdaman ko na nabasa ang mukha ko. Nadinig ko ang pagsinghap ng mga tao na nandito sa pantry.

Hawak hawak pa ni Lei ang baso ng tubig na itinapon niya sa akin. "What the hell is wrong with you?!" sigaw ko. Kung inis na siya, inis na din ako!

"I'll make your stay here like hell kung hindi mo pa sa rin sa akin sasabihin kung sino--"

"I've been through hell so shut your mouth because you don't know what I can do to you!" sagot ko. I may look fragile but hell no, I'm not. I know when to shut and when to fight and this girl is really testing my patience. Onti na lang!

What If We Love Again? (OTS: Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon