-Erhailah-
It's been 5 months since Charlie courted me. Everything was perfect for the last months, hindi naman kami nagkakaproblema. Wala ka kasing maipipintas kay Charlie, he's the epitome of perfection. The past months was like a fairytale for me and his my prince charming. I'm so lucky to have him.
Maayos naman ang pakikitungo ng mga tao sa akin dito sa kumpanya--medyo. Minsan kasi syempre, di maiiwasan yung mga tinginan ng mga tao sa amin pero nasanay na lang din siguro ako sa ganun. Alam ko kasing hindi rin naman talaga kasi kapanipaniwala na ang isang simpleng babaeng kagaya ko ay magugustuhan ng isang lalaking tila perpekto na sa paningin ng lahat. Sa movies, drama, o libro mo lang kasi iyon mababasa tapos biglang eto na--nangyari na sa buhay ko.
Umalis na nga pala si Lei sa kumpanya, medyo guilty nga ako dun pero siya naman ang nag-decide na umalis. Ngayon ay mas lalo akong naging malapit kay na Nica at Dannie. Hindi ko nga ugaling magpakilala ng kaibigan kay Ate pero yung dalawa? Ayun, bessy na rin ang ate ko. Hahaha!
Sobrang saya ni ate para sa akin dahil daw nakahanap ako ng mabubuting kaibigan. Ang swerte ko din daw kasi nakahanap ako ng lalaki na kagaya ni Charlie.Madalas kaming dumadalaw ni Charlie kay na Ate dahil lumalaki na ang tiyan nito. Ang sabi pa nga ay kambal daw iyon kaya lahat kami ay excited lalo na si Kuya Blake dahil pangarap daw niya magkaroon ng kambal na anak. Madalas ay dumadalaw pa rin ako kay Nathan, kinukwentuhan ko siya ng mga nangyayari sa akin kahit alam kong nakikita naman niya iyon mula sa taas. I still miss him pero hindi na ako malungkot ngayon. Minsan sinasamahan ako ni Charlie sa sementeryo pero minsan sinasabihan ko siyang gusto kong mag-isa at agad naman niyang naiintindihan iyon.
Napatingin ako sa wristwatch ko, ang tagal naman ng meeting nila. Ngayon kasi ay iniintay ko siya na matapos ang board meeting nila. Hindi na niya ako pinasama kasi mabobored lang daw ako doon. Psh. Mas boring kaya dito mag-isa sa opisina.
Nangako kasi sa akin si Charlie na sabay daw kaming kakain ng lunch ngayon kaya inaantay ko siya. Nagugutom na nga ako eh. Pero dahil mukhang matatagalan pa sila ay napagpasyahan ko munang bumaba at bumili ng light snacks ko.
Pumunta ako sa malapit na 7/11 at bumili ng tinapay pati coke in can para sa akin. Gutom na gutom na kasi talaga ako.
~*~*~
Pagpasok ko ng kumpanya ay napatigil ako ng tawagin ako ni Jennie, "Tapos na ba yung meeting ni na Sir?" tanong niya.
Umiling ako, "Di pa nga eh. Bakit?" tanong ko.
"May naghahanap kasi sa kanya eh. Di naman ako pamilyar sa kanya dahil bago lang ako dito, kaibigan daw siya ni Sir Charlie kaso di ko alam kung papa-akyatin ko ba o ano eh." sabi niya.
"Asan ba?" tanong ko.
"Ayun yung babaeng nakaupo doon oh." sabay turo niya sa babaeng nakaupo sa may reception area. Hindi ko makita yung mukha nung babae dahil nakatalikod siya sa amin.
"Ako ng bahala." sabi ko kay Jennie.
"Yey! Thanks, girl!" sagot niya.
Nilapitan ko na yung babae, "Excuse me--" napatigil ako ng makita ko kung sino siya.
I've seen her in pictures, alam kong maganda siya but I didn't know that she's this beautiful in person. She literally looks like an angel kagaya ng sinasabi ng iba. Wow!
BINABASA MO ANG
What If We Love Again? (OTS: Sequel)
Romance"I don't believe in love anymore." - Erhailah Millen Alcantara