-Erhailah-
Ngayon ay papasok na ako sa kumpanya. Sa totoo lang hindi ko alam kung paano ko haharapin si Sir. Hindi kasi ako nakasagot sa tanong niya sa akin kahapon, ang sabi ko lang ay pag-iisipan ko pa. Hindi na rin niya ako pinapasok kahapon dahil umaga na ng umalis siya sa apartment ko.
Ngayon lang kami ulit magkikita pagkatapos ng mga sinabi niya sa akin. Sobrang kinakabahan nga ako habang naglalakad ako papa-akyat sa opisina niya. Hindi ko pa ito nasasabi kay Ate kasi baka mag-freak out siya, buntis pa naman siya. Oo, buntis si Ate, kahapon ko lang nalaman. Finally, nasundan na din nila si Noah.
"Hoy babae!" nagitla ako ng may sumigaw. Nakahinga ako ng maluwag ng makita kong si Dannie at Nica lang pala iyon.
"Bakit?" tanong ko ng makalapit sila sa akin. Sakto namang bumukas na ang elevator kaya sabay sabay na kaming sumakay.
"May nasagap kaming balita!" masayang sabi ni Nica.
"Aga aga puro chismis inaatupag niyong dalawa." puna ko.
"Eh basta! Eto na nga! Si Sir may nililigawan daw!" nanlaki ang mata ko sa sinabi nila. Ang bilis naman ata nilang nalaman?! Kahapon lang may nangyari ah?! Baka naman may iba pa siyang nililigawan?! Psh.
"P-Paano niyo naman nalaman?" tanong ko.
"Uy, interesado na siya! Hahaha!" pang-aasar ni Dannie. Sinamaan ko lang siya ng tingin kaya niyapos niya ako at tumawa na lang.
"Eh kasi nag-post si Sir sa IG niya kahapon ng picture ng pink roses with a caption of 'Please say yes.' Oh di'ba? Tapos kanina nakita daw nila na pumasok si Sir na may dala dalang bouquet of pink roses at todo ngiti kaya daw lalo pang gumuwapo. In love na naman ata si Boss!!!" masayang sabi ni Nica. Nandito na siya? Ang aga naman niyang pumasok. Mas lalo lang tuloy akong kinabahan.
Teka--pink roses? Ayun ba yung dala niya kahapon nung pumunta siya sa apartment ko? Naramdaman ko bigla ang pag-init ng pisngi ko.
"Oh bat namumula ka dyan? Kilig ka noh? Ang swerte ni ate girl kung sino man siya, siya na ang babaeng bukod na pinagpala! Sabi naman sa'yo eh, kapag si Sir nainlove--ay bessy, umuulan ng puso everywhere. Hahahaha!" sabi ni Dannie.
"Wala ka bang alam kung sino yun? Ikaw yung secretary niya eh! Wala ba siyang kinikita pagtapos ng mga meeting niyo ganun?" pag-uusisa ni Nica sa akin.
Umiling ako at nag-iwas ng tingin, "H-Hindi ko alam. W-Wala akong alam." pagsisinungaling ko.
"Hmp! Sayang naman! Sino kaya yung girl? Naiintriga talaga ako eh!" sabi ni Dannie at pinagkrus pa ang braso niya.
"Whoever she is, sana di na niya saktan si Sir, nakakaawa si Sir kapag nasasaktan eh." sabi ni Nica.
"Nga pala bat ka absent kahapon?" tanong bigla ni Dannie kaya nataranta ako ng slight.
"Masama kasi pakiramdam ko." pagsisinungaling ko. Lord, sorry at puro ako pagsisinungaling sa dalawang 'to.
"Ahhhh. Di rin kasi pumasok kahapon si Sir eh, swerte mo." sabi ni Dannie.
"Oo. Hala! Di kaya nakipag-date yun kahapon?! Hahaha!" sabi ni Nica.
Kung alam niyo lang na parehas kaming walang tulog kahapon kaya di kami pumasok pero syempre di ko yun sasabihin.
BINABASA MO ANG
What If We Love Again? (OTS: Sequel)
Romance"I don't believe in love anymore." - Erhailah Millen Alcantara