-Erhailah-
Kinabukasan maaga akong umalis para maka-iwas sa traffic. 7:30 am palang ay nandito na ako sa company. Syempre, ayokong mapahiya sa unang araw ko sa trabaho. Kaso hindi ko alam kung saan ako pupunta. Di naman ata tama na tumambay ako sa opisina ng CEO. Hindi rin naman ako friendly para makipag-usap sa ibang mga nagtatrabaho dito. Si Ate at si Nathan lang kasi ang mga kaibigan ko. Hindi naman ako introvert, ayoko lang talagang nakikipag-usap sa mga tao. Pero mukhang mahihirapan na ako ngayon kasi wala na si Nathan-- Ano ba, EM? Si Nathan na naman ang iniisip mo. Haaaay!
"Miss Millen!" napalingon ako sa tumawag sa akin.
Agad naman akong lumapit sa kanya at tumango, "Good morning, Sir." bati ko. May dala dala na naman siyang kape at naka-headphones pa. Hindi mo talaga siya mapagkakamalang CEO ng isang kumpanya, masyado siyang simple at bata.
Tumingin siya sa relo niya, "Ang aga pa ah?" sabi niya.
"Ah, ayoko lang ma-late sa first day ko." sagot ko.
He smiled, "Ganun? Sabay na tayong umakyat." aya niya. Tumango na lang ako at sumunod sa kanya.
Tahimik lang kaming dalawa habang nasa elevator kami. Pagbukas nun madami kaming nakasalubong na tao at lahat sila binabati si Sir. Ako, nakasunod lang sa kanya.
"Lei." tawag niya sa isang babae dun.
"Yes po, sir?" sagot nung babae na kung makangiti ay akala mo mapupunit ang labi. I mentally rolled my eyes on her. Ano ba yan, lalabas ata pagiging maldita ko dito. Wag naman sana.
"She's my new secretary, Millen. Ipapaayos ko pa kasi yung table niya sa office ko, pwede bang isama mo muna siya sa headquarters niyo?" sabi ni Sir.
Nabaling naman sa akin ang tingin nung Lei. "Sure, sir!" sabi niya.
"Sama ka muna sa kanya. Try to make friends with them habang pinapaayos ko yung table mo sa office ko." sabi sa akin ni Sir. Tumango na lang ako at lumapit na dun sa Lei.
"Take care of her, okay?" pahabol pa ni Sir at ngumiti. Napa-angat tuloy ako ng tingin.
"Oo naman, Sir! Don't worry." sagot ni Lei at inakbayan ako. Tumango si Sir at tuluyan ng pumasok sa office niya.
Pagkapasok na pagkapasok ni Sir ay tinulak ako ni Lei palayo sa kanya at sinamaan ako ng tingin. Aba'y loka loka itong babaeng ito ah?!
"Wag kang feeling special dahil ganun si Sir sa'yo. Sadyang mabait lang siya. Hmp!" sabi niya at tinalikuran ako.
Teka may sinabi ba akong special ako?! Anong sapak nito? Abnormal ah.
"Halika na!" sabi niya at naglakad na. Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya.
Pumasok kami sa isang kwarto na may madaming cubicle at madaming tao, "Bahala ka na kung san ka pupunta." sabi ni Lei at iniwan ako.
Bumuntong hininga na lang ako at naupo sa may couch doon. Ang aga aga nai-stress ako dito kay Lei. Pasalamat siya at hindi ako amazona at pinatulan siya kundi-- hayy ewan!
"Bago ka? Saang department ka?" at nagulat akong may katabi na akong babae sa gilid ko. Ngiting ngiti pa siya sa akin.
"Uhhh, secretary ako ng CEO." sagot ko.
BINABASA MO ANG
What If We Love Again? (OTS: Sequel)
Romance"I don't believe in love anymore." - Erhailah Millen Alcantara