-Erhailah-
"Ma'am, ano pong kulay ang kailangan niyo?" tanong sa akin ng saleslady.
Muli kong tinignan ang damit na kinuha ko, "Isang blue at isang pink." sagot ko.
"Okay po, ma'am. Check ko lang po kung may stock po kami." paalam niya at umalis.
Nandito ako ngayon sa mall at namimili ng reregalo ko sa mga bago kong pamangkin. Nanganak na si Ate kahapon and thank God dahil parehas malusog ang kambal. They named them Isaiah and Mary Viel Benitez. Buti na lang ay napilit namin ni Kuya Blake na lagyan man lang ni Ate si Mary ng second name para hindi naman mukhang si Virgin Mary ang pamangkin ko.
Ilang araw na ang lumipas mula ng magka-usap kami ni Charlie. Mula dun ay di na ulit kami nag-usap, hindi ko na kasi nireplyan yung huling text niya sa akin. Bakit pa? Para umasa ako ulit? Wag na lang. Ayaw ko na, ayaw ko na talaga.
"Ma'am eto na po yung damit, size small color blue and pink." sabi sa akin ng saleslady.
"Thanks!" sagot ko at pumila na sa cashier.
~*~*~
Medyo mahaba ang pila, palibhasa holiday ngayon. Ang dami tuloy tao dito sa mall.
Abalang abala ako sa pagtitingin sa Facebook ko ng may magsalita sa likod ko, "Charlie's girl?" kaya agad akong napalingon.
"U-Uy..." sambit ko.
Tumango siya sa akin, "Anong ginagawa mo dito?" tanong niya.
Gusto ko sana siyang biruin na 'hindi ba halata na nakapila ako dito sa cashier dahil may binili ako?' kaso mukhang hindi ko naman siya pwedeng biruin ng ganun.
"Bumili ng regalo para sa kambal, nanganak na si Ate eh." sagot ko.
"Ah. Kami rin eh. Pasabi dadalaw kami sa kanila mamaya." sabi niya.
"Kami? Kasama mo si Erliyah ngayon?" tanong ko at tumango naman siya.
"Oo, may kinukuha lang." sagot niya. Tumango na lang ako at bumalik na sa pagffacebook. Ang awkward na nakita ko si Kristofer dito sa mall at ang malala kasama pa niya si Erliyah. Tumakbo na kaya ako? Magiging sobrang awkward kapag nagkita ulit kami ni Erliyah matapos nung huli naming pag-uusap ay di na kami muling nagkita.
"Nga pala, Charlie's gir--"
"I'm not Charlie's girl anymore." paglilinaw ko bago niya matapos ang sasabihin niya.
Kita ko ang pagkabigla niya pero agad din naman siyang nakabawi, "Ellaine--"
"I'm Erhailah. Si ate ko yung Ellaine." pagkaklaro ko. Seriously? Di niya ba ako kilala?
"Hindi talaga ako matandain sa pangalan, I address people like Blake's wife, Chase's fiancé, Charlie's girl ganun. And I'll still call you as my brother's girl." sabi niya na parang nabasa ang iniisip ko.
"Pero hindi na nga ako." sabi ko.
"I don't care. Ayun na nakalagay sa utak ko." sabi niya.
Seriously? Magkapatid ba talaga sila ni Charlie? Eh bat ganito ito?! Tila kabaliktaran siya ni Charlie eh.
I heaved a deep sigh, "Bahala ka. Aalis na ako, may nakalimutan pala kasi akong kunin. Sige, nice seeing you around." paalam ko.
BINABASA MO ANG
What If We Love Again? (OTS: Sequel)
Romance"I don't believe in love anymore." - Erhailah Millen Alcantara