1

1.4K 19 0
                                    

-L

"Robiiii." pagkuha ko sa atensyon niya dahil hindi niya ako tinitignan. Hindi man lang ako nilingon. Nakatingin lang siya sa mga taong palakad-lakad rito sa mall. Apparently, nagtatampo na naman ito. May kasalanan kasi ako. Hindi naman mabigat pero kasalanan pa rin. Knowing him? Mabilis siya magtampo sa akin. Pero dahil ako si L, mabilis ko naman siya mapaamo.

It's Sunday kasi. And every Sunday is our D-Day (Date Day). Iyon lang kasi ang araw na wala siyang pasok. Gahol na gahol kami sa time para sa isa't-isa sa totoo lang. We're both third year college students na kasi. Alam naman ng lahat kung gaano kahectic ang schedule kapag college na, right? Buong vacation namin, hindi kami masyado nagkakasama. Nagpart time kasi siya tapos ako, wala, nakipagbonding lang sa family ko, family ni Robi pati na rin sa iba ko pang kaibigan. Kaya nga every Sunday na lang kami nagkakasama. The rest of the day? Magkausap lang kami sa cell phone o kaya nagtetext. Minsan naman dinadalaw ko siya sa bahay nila, and ganuon rin siya; nadalaw sa bahay namin kapag gusto niya.

Si Robi? Boyfriend ko siya. Two years na kami and still counting. Kahit abutin pa ito ng forever. Yeah, I know I'm being mushy but who cares?

"Haaa." Napangiti ako dahil sa ginawa niya. Hindi niya man aminin, alam niyang alam ko ang gusto niya mangyari kapag bumubuntong hininga na siya sa maarteng paraan. Someone might even call him gay because whenever he does that, he really looks like one; bubuntong hininga, iikutan ka ng mata tapos titignan niya mga kuko niya. And I really find him cute whenever he does that. Gusto niya na naman magpalambing.

"Robiiiii." Tinusok-tusok ko ang pisngi niya. Ayaw pa rin akong pansinin kasi late ako. Yeah, that's the reason kung bakit nagtatampo siya, kasi late ako. Kasi naman, hindi ako nagising noong tumunog iyong alarm clock ko. Usually kasi hindi ako nale-late. Ako pa ang nauuna minsan. "Sorry na. Hindi na po mauulit." Napatingin siya sa akin. "Siguro?" Bigla naman siyang sumimangot dahil sa pahabol ko. "I'll try my best!" Ayoko naman kasi mangako, ano. Baka mapako lang.

Bumuntong hininga siya, and this time, hindi na iyong pacute niyang buntong hininga kaya napangiti ako.

Yes! He heaved a sigh of defeat! That only means one thing: He's going to forgive me!

"What will I ever do to you?" Ngumiti siya then pinched my nose. That smile. The kind of smile that only he has. The kind of smile that always make my heart racing.

He's not a heartthrob. Really. Pero he has the looks. He's cool. Besides, the only heart that throbs whenever he's around is mine. Minsan talaga, hindi ko maimagine kung paano ako naging ganito kacheesy. Siguro siya ang nagturo. He's sweet kasi. And when I say sweet, he's really, really sweet.

It's rare na makahanap pa ng ganitong klase ng lalake, sa totoo lang. Nasa kaniya na lahat ng hinahanap-hanap ng mga babae; looks, great personality, sporty, caring, a gentleman - what more could I ask for? Kaya minsan talaga, kapag may nahuhuli akong nakatingin sa kaniya, lilingkis kaagad ako sa braso niya. And he knows kung bakit ko iyon ginagawa. Sinasabi niya pa minsan na selosa raw ako. Natatakot lang naman kasi ako na bigla siyang maagaw.

I trust him pero hindi ko pa rin maiwasan na lumingkis para bakuran siya. Woman's instinct nga yata ito.

"Bati na tayo?" He nodded as a response. "Hindi kasi ako nagising nang mag-alarm iyong alarm clock ko."

"Tulog prinsesa ka kasi." Tumawa siya pero mahina lang habang nailing saka sumandal sa upuan niya.

Do you know how much I'm deeply in love with this guy?

"Hindi naman kaya..." My voice trailed off. Kasi alam niyang alam ko na alam niya na tulog prinsesa talaga ako. Nako, dapat ko nang baguhin ang kaugalian kong iyon. Kaya lang mahirap naman kasi baguhin ang naging habit mo na.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon