13

245 12 0
                                    

-L

Bakit ba ganito? Bakit kailangan pa na iyong mababait ang parusahan? Ang pahirapan? Ang saktan? God, I didn't ask for any of this. Kanina pa parang gusto lumabas ng puso ko mula sa dibdib ko dahil sa pinaghalong kaba at takot.

Terrified, I took a glance at Chase again. Nakaubob pa rin siya sa armchair niya. Kanina ko pa siya kinakalabit pero unresponsive siya. Kanina pa rin ako nakahalata na inaatake na naman siya ng sakit niya kahit pilit niya itong itinatago. Ang lalalim kasi ng paghinga niya.

I scooted my chair a little para mapalapit sa kaniya. Nang makalapit na ako, hinawakan ko iyong kamay niya ng patago. Pinisil ko ito para malaman kung natutulog lang ba siya o ano pero nang pisilin ko ang kamay niya, hindi pa rin siya nagrespond kaya mas lalo akong kinabahan.

God, Chase, why are you making me this damn worried?

Medyo niluwagan ko ang pagkakahawak ko sa kamay niya para tumayo at pumunta sana sa prof namin pero naramdaman ko na pinisil niya iyon kaya napatingin ako sa kaniya. Ganuon pa rin iyong ayos niya. Binitawan ko na siya saka tumayo kaya napatingin sa akin ang mga kaklase namin dahil sa ingay ng upuan nang tumayo ako. "Sir, Chase is not feeling well." Napansin ko naman na medyo naging uneasy iyong prof namin. "Samahan ko na po siya sa clinic."

I know na gusto rin akong tulungan ng prof namin pero hindi ito magawa because of my classmates. Baka kasi makahalata sila na may masama na palang nangyayari kay Chase, which is oo, may nangyayari na talaga. Ang gusto ko lang na tumatak sa isip nila, hindi malubha ang sakit nito dahil ayaw niya mangyari iyon; ayaw niyang kaawaan siya ng mga classmate namin. We really have to be careful with our moves kasi baka malaman nila iyong lagay niya. Alam na rin pala ng mga school personnel at profs namin na alam ko na iyong condition niya. Iyon pala iyong bagay na hindi nila masabi-sabi sa akin kahit na ano pa ang gawin kong pagtatanong.

"Please do."

Kahit nahihirapan, inalalayan ko si Chase. Nag-offer iyong boys na tulungan ako pero I didn't accept their offer. Hindi naman rin siya ganuon kabigat due to his condition kaya naalalayan ko pa siya.

On our way to the clinic, nakita ko si Dylan. Humingi na ako ng tulong sa kaniya dahil medyo nahihirapan na ako sa pag-akay sa kaibigan ko. Nagpapawis na rin ako dahil sobrang init talaga nito tapos dikit na dikit pa balat namin. At first, ayaw niya pa akong tulungan dahil kaagaw niya raw si Chase sa akin pero napakiusapan ko naman siya. Buti sana kung totoong inaagaw ako sa kaniya.

--

"Hey," Dahan-dahan kong isinara iyong pinto ng room ni Chase pagkapasok ko.

Napatingin siya sa akin at tinapunan ako ng ngiti-- isang pilit na ngiti.

Seeing Chase's smile, his faint smile, is the reason why my heart breaks into a million tiny pieces. Like the one I'm seeing right now; basag na basag na naman ang puso ko. Ang sakit. Ang hirap. Kapag ngumingiti kasi siya ng ganiyan, sa rami ng beses naming magkasama, alam ko na ang ibig-sabihin.

His condition worsen kanina nang atakihin siya so nagsuggest iyong nurse ng clinic na dalahin na siya rito sa hospital kaya tinawagan ko kanina si Tito to tell him that Chase badly needs to get into a hospital asap. I didn't bother calling Tita dahil alam kong magfifreak out ito at hindi makakausap ng maayos dahil nga sa kalagayan ng anak nila. Nahirapan pa nga na umakting si Chase na parang walang nangyayaring masama makalabas lang kami sa campus. Mahirap na kasi na maraming makaalam sa lagay niya. And his parents doesn't really want the students to know na may sakit siya-- even him, ayaw niya rin na may makaalam.

Napatingin ako sa gawi ni Tito, na kasalukuyang nag-aayos ng mga gamit sa gilid ng kama ni Chase. Tumingin siya sa akin saka ngumiti ng bahagya.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon