4

274 11 0
                                    

-L

"Leigh..." bungad ko rito pagkalabas nito ng bahay. Pinaabsent ko siya ngayon dahil kailangan ko ng karamay. Ang sama ko. Nadamay pa siya dahil sa drama ko. Kailangan ko lang talaga siya ngayon. Alam ko na kahit papaano, mawawala ang bigat at sakit ng nararamdaman ko kapag naipaalam ko sa kaniya ang nangyari sa amin ni Robi. At saka, kanino pa ba ako maglalabas ng loob? Siya lang kaya iyong bukod tanging best friend ko.

Umabsent ako ngayon. Kahapon rin absent ako. Ang lakas kasi ng impact sa akin ng breakup namin ni Robi. Magdamag akong tulala. Magdamag akong umiiyak kahapon. Hindi ako nakakakain ng maayos. Ganito pala ang epekto ng pagiging broken? Akala ko dati, ang oa lang ng mga nabobroken, iyon pala, sobrang sakit talaga kaya sila, kami nagkakaganito.

Narito ako sa harap ng bahay ng best friend ko. Siya lang ang alam kong puwede kong takbuhan. Sa totoo lang, wala pang nakakaalam na wala na kami Robi. Kay Leigh ko pa lang sasabihin. Ayoko naman rin kasing ipaalam sa pamilya ko. At saka, isa pa, wala naman sila sa bahay. Ako at si Yaya lang. Hindi ko rin sinabi sa kanila dahil umaasa akong babalik si Robi. Ay, hindi pala umaasa dahil alam kong babalik siya. Babalikan niya ako.

Babalikan niya ako dahil mahal niya ako.

Hindi naman niya sasayangin iyong dalawang taon na pagsasama namin, hindi ba? Alam kong mahal niya ako, ilang beses niya na sinabi at ipinaramdam iyon kaya alam ko na hindi niya basta basta itatapon iyong dalawang taon na iyon. Siguro malaki lang talaga iyong problema niya – kung ano man iyon – kaya niya ako nagawang saktan, hiwalayan. Kung ano man ang rason niya kaya niya ako sinaktan, gusto ko malaman. Kung may problema siya, gusto ko siyang tulungan. Para saan pa at girlfriend niya ako kung hindi niya lang rin niya ioopen up sa akin iyong problema... No... Ex na nga pala niya ako kaya wala na akong karapatang manghimasok sa buhay niya.

Shet lang, ang sakit-sakit nuon.

"Oh, nandiyan ka na pala," Hinawakan niya ako sa kamay pagkalapit niya sa akin matapos niya akong pagbuksan ng pinto. "Tara, akyat tayo sa kwarto ko."

"Nandiyan sina Tita?"

"Oo, alam rin nila na pupunta ka. Lagot ka rin kasi sinabi ko na pinaabsent mo ako."

Pagpasok na pagpasok sa bahay, mga mukhang pinintahan ng ngiti ang bumungad sa amin. Kinumusta ko naman sina Tita, Tito pati si, Clyde, iyong kapatid ni Leigh na maliit. Tinanong rin ako ng mga ito kung bakit ko pinaabsent si Leigh. Sinabi ko na lang na kailangan ko lang talaga ito ngayon. Hindi naman na sila nagtanong after nuon. Thank God.

"Oh, anong mayroon?" tanong ni Leigh pagkahila niya sa akin paupo sa gilid ng kama.

Hindi pa rin nagbago iyong kwarto niya. Puro Korean pa rin.

"Leigh..." Niyakap ko siya. "Wala na..." Garalgal na ang boses ko. Umiyak na kasi kaagad ako pagkayakap ko sa kaniya. Buti nga napigilan ko hanggang sa makaakyat kami sa kwarto niya. Nakakahiya naman kung umiyak ako sa harap nina Tita.

"L – umiiyak ka ba?" Ikinalas niya ako sa yakap ko sa kaniya tapos hinawakan sa magkabilang balikat sabay titig niya sa mga mata ko. "Ba-Bakit? Bakit ka umiiyak?"

"Wala na..."

"Anong wala na?"

"Kami ni Robi... Wala na." Napatakip ako ng bibig. I never imagine na masasabi ko ang mga katagang iyon. I have never imagined na mahihiwalay siya sa akin. All along, I always thought that Robi and I would never breakup pero ano nang nangyari? Wala na kami ni Robi.

"Ano?!" Napatayo siya bigla. Hindi ko rin siya masisisi dahil alam niya ang pinagdaanan namin ng lalakeng iyon.

"We broke up."

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon