7

234 12 0
                                    

-L

After ng araw-araw na pagrereview, natapos na ang midterms. At medyo hindi ako nakapagconcentrate sa pag-aaral dahil pinepeste talaga ako ni Dylan. Nakakaiyak siya!

Kung hindi lang talaga masamang pumatay ng tao, nako, alam na.

One time, nagulat na lang ako kasi pagkagising ko, nasa tabi siya ng kama ko habang hinahaplos-haplos ang mukha ko. Nagpakilala pa siyang classmate ko kay Yaya para makapasok siya. Sinabi niya kasi na may group report kami at kailangan na raw naming tapusin kaya sinadya niya talaga ako.

Hindi ko nga alam kung paano niya nalaman iyong address at cell phone number ko. Sa cell phone naman, panay ang tawag at text niya. Nakakainis.

Siguro kung isa ako sa Pokpok Bridge o kaya sa The Impures, baka namatay na ako sa tuwa at kilig dahil sa mga pinaggagagawa ng lalakeng iyon. Ang kaso hindi. Hindi naman ako patapong babae para magustuhan ni Dylan, ano. Oo, ang offensive ng sinabi ko, aminado naman ako. Pero kasi, iyon ang nakikita ko; iyon ang nakikita ng maraming tao kaya it's safe for us to assume na tama ako.

I'm honestly scared kasi by the way he acts, he's like a stalker. I don't even know kung gusto talaga ako nuon o ano. Maybe he just wanted someone to be with him in his bed. The thought of it irks me. Nakakadiri kasi.

"Punzalan," tawag sa akin ng prof kaya napatigil ako sa pagbuklat ng notebook at napatingin sa rito. "Give out these copies." Itinuro niya iyong mga papel na nakapatong sa table niya bago niya inikot ang ballpen na hawak sa kamay. Lumapit ako sa prof namin tapos kinuha ko iyong xerox copies sa table.

Pagdaan ko kay Chase, ihahampas ko sana sa kaniya iyong copy niya pero may nakita akong papel sa desk niya kaya napatigil ako saglit para tignan iyong papel.

Ang nakasulat Hindi ako puwede magtagal rito mamaya.

Tinignan ko siya saka siya nagshrug. Naman!

Maglalaro kasi ako ng volleyball mamaya. Niyaya kasi ako, eh, wala naman akong kasabay umuwi kaya pinags-stay ko siya. At siyempre, para mapanuod niya ako maglaro. Sayang pero mukhang mahalaga ang gagawin niya kaya niya kinansela ang plano namin. Nakakadown kasi gusto ko pa naman magpakitang gilas sa kaniya para proud siya na kaibigan niya ako. Pero okay lang, there's always a next time naman.

--

"Tara, sa gilid muna tayo. Ang init kasi." Nakasimangot na reklamo ko sabay hila ko sa kaniya papunta sa bench sa pinakagilid ng hallway. Wala naman kasi kaming prof ngayon kaya hinila ko siya palabas ng room. Ayoko namang tumambay sa room kahit pa airconditioned kasi sobrang ingay.

"Iyon na nga, hindi ba?" Kumakalas siya sa hawak ko pero mas hinigpitan ko iyong hawak sa kamay niya para hindi siya makawala. Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya kaya napangiti ako. Sumuko kaagad siya. "Mainit rito. Mas okay pa sa room, seryoso."

"Maingay naman! Kaya tara na!"

Nagbago ang isip ko at sa cafeteria ko muna siya hinila para bumili ng pagkain pagkatapos ay dumiretso na kami sa bench sa gilid ng pillar na kanina ko pa gustong puwestuhan. At as usual, kapag hinihila ko siya sa kung saan saan, pinagpapawisan siya. Pawisan na naman siya kaya tinulungan ko siya sa pagpunas ng pawis kahit ayaw niya, tutal ako naman may kasalanan kung bakit siya pawisan.

"Ginagawa mo naman akong bata, L." maktol niya habang nagpupunas ng pawis. Hawak kasi niya iyong panyo niya at ipinangpupunas niya ito sa leeg niya tapos ako naman, pinupunasan ko iyong isang braso niya.

"Kung nag-t-tshirt ka lang kasi, hindi ba?" Pinunasan ko na rin ang muhka niya ng panyo ko habang pinagsasabihan siya. Tagaktak kasi iyong pawis niya. Bakit ba kasi siya laging pinagpapawisan kapag hinihila-hila ko siya? Para namang ang layo-layo ng pinagdadalahan ko sa kaniya.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon