3

354 13 0
                                    

-L

"Wala. Talo." sabi ni Leigh habang nakasimangot.

"Bakit?" Anong talo ang sinasabi nito? Bigla na lang kasi niyang sinabi habang naglalakad kami kaya naguluhan ako. Nakapako ang mga mata ko sa kaniya dahil sa pagtataka habang itinatali niya ang buhok gamit ang sanrio.

Papunta kami ngayon sa cafeteria. Nagpasama kasi ako bumili ng pagkain, nagugutom na kasi ako. PG-bar ito si Leigh kaya alam kong hindi siya tatanggi kapag nagpasama ako bumili ng pagkain. Alam niya kasi na hindi ako makakahindi sa kaniya kapag nagpalibre siya. Ewak ko ba kung bakit ang hilig niya magpalibre, may pera naman siya palagi. Ayoko naman magsabi kina Tita kasi parang kapatid ko na rin naman siya kaya wala na sa akin kung ilibre ko man ito o ano.

"Kasi naman, noong pumunta ako ng Starbucks, sinabi ko na ako iyong magiging kadate niya, aba, biglang nagwalkout!" Ah, so iyong date pala. Napangisi tuloy ako. Halata kasing apektado siya masyado. "Tapos noong hinabol ko siya, ang sabi ba naman niya sa akin, hindi raw niya ako type! Halata rin sa mukha niya na nagagalit siya. Bakit? Ang ganda ko tapos hindi niya ako type? Siguro alam niya na pure pa ako at hindi impure. Ayoko naman makisapi sa samahan ng mga nagiging girlfriend niya, ano! The Impures. Bwiset!"

Tumawa ako kaya napatingin siya sa akin at napahinto sa pagbato ng ballpen niya na dapat ihahagis niya dahil siguro sa frustration. "Isa lang ibig sabihin niyan-- actually, either of the two na sasabihin ko."

"Ano?"

"It's either be part of the sorority, The Impures, o kaya hindi ka talaga niya magugustuhan." Ani ko sabay tawa ng sobrang lakas sa tenga niya kaya napatakip siya ng mga iyon.

"Sabi mo isa lang ibig sabihin pero dalawa sinabi mo. Bungal ka?" Tinaasan niya ako ng kilay habang nakatakip pa rin ang dalawang palad sa magkabilang tenga niya. "Nagpaganda pa man rin ako. Sayang!" Ang mga mga kamay niyang nakatakip sa mga tenga niya ay unti-unting napunta sa buhok niya saka siya nagkamot.

"Asa, hindi ako bungal. Alam kong alam nating lahat iyan."

"Tse." Hinawakan niya ako sa kamay saka hinala. "Tara na, nagugutom na ako."

--

"Alam mo ba kung paano ko magiging kaibigan ang isang lalakeng masungit?" tanong ko kay Leigh pagkaupo namin sa damuhan sa field.

Vacant namin ngayon kaya napagdesisyonan namin na dito kumain. At siyempre, nasa ilalim kami ng puno. May shade naman sa inuupuan namin tapos sobrang hangin pa. Ang sarap sa pakiramdam. Ang peaceful.

"Hmm." Kumagat siya sa burger niya. Courtesy of my purse. Nilunok niya muna iyong nasa bibig niya bago niya ipinagpatuloy iyong sinasabi niya. "Bakit mo naitanong?"

"Because. Just because." balewalang sagot ko saka ako kumagat ng sa akin.

"Connected na naman ito kay Chase, ano?" makahulugang tanong niya.

Napabuga ako ng malalim na paghinga. Ayoko man umamin na dahil kay Chase, wala, kailangan dahil alam ko ugali ni Leigh; mangungulit ito nang mangungulit kapag hindi ako umamin kaagad.

"Kind of." Biglang humampas ang malakas na hangin sa amin kaya inayos ko iyong buhok ko na tinatangay.

"You mean, most of?" Napatingin ako sa kaniya. "Alam ba ni Robi na gusto mong mapalapit sa isang lalake?"

"No. And I don't have any intention of telling him." Uminom ako ng tubig sa bottled water saka siya tinignan habang nakangiwi. "Alam mo naman iyon, hindi ba? Seloso. Magsabi lang ako ng pangalan ng lalake, o kahit kaibigan ko na lalake ang ikuwento ko, magsasalubong na kaagad iyong mga kilay nuon."

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon