8

212 9 0
                                    

-L

"Sinong may birthday?" Iyan kaagad ang bungad sa akin ni Chase pagkapunta niya sa kusina.

Nandito siya sa bahay. Ang aga nga, eh. Nakauniform pa siya. Sasabay na raw kasi siya sa akin pumasok sabi niya sa text kagabi. Hindi naman hassle sa kaniya since may driver sila kaya okay lang na magpahatid siya kahit saan siya pumunta.

"Chase naman." Ibinaba ko iyong hawak kong tinidor saka siya tinignan.

"Bakit na naman?" takang tanong niya dahil sa tonong ginamit ko saka siya tumabi sa akin sa harap ng lamesa. Umupo kasi ako pagkalagay ko ng spaghetti sa plato ko.

"Kayong talagang mga Pinoy, kapag may nakita kayong spaghetti sa bahay ng ibang tao, ang una niyo talagang tanong, kung sino may birthday, ano?" Sinaaman niya lang ako ng tingin kaya napataas iyong kilay ko. What? Totoo naman kaya. "Almusal ko kasi ito. Birthday ka diyan. Walang may birthday, Mendoza."

"Makapangdown ito. Bakit, hindi ka ba Pinoy?"

"Pinay." I corrected him.

"O'sya, hindi ka ba Pinay? Happy?" sarkastikong tanong niya saka ako inikutan ng mata. Nakakaloka talaga itong tao na ito. Kapag may nakakita talaga sa kaniya kung paano siya mang-irap, malamang sa malamang na mapagkamalan siyang bakla.

"Hindi."

"May lahi ka?" pagkukumpirma niya na parang nagulat pa sa sinabi ko. I should be the one to ask kung may lahi siya kasi iyong mata niya, gray. Pero looking at his parents, mukhang full-blooded Filipino silang lahat. Maybe it has something to do with genetic mutation or whatever. I don't really know.

"Hmm!" Tumango ako. "Half Pinay, half maganda." Nginitian ko siya pero nawala rin iyon dahil bigla siyang lumapit saka ako hinampas sa ulo ng tuwalya na hawak niya. "Aray, ha? Ang sakit!" reklamo ko. Minsan, may pagkabrutal rin ang taong ito.

"Tama na nga joke time, bilisan mo kumain." nakangising utos niya saka umayos ng upo. Sumalong baba siya saka tumingin sa kaliwa, kung nasaan si Yaya na nag-aayos sa salas.

"Opo. Ngingiti-ngiti ka pa riyan." Sinaktan na nga niya ako, nakuha pa niyang ngumiti. Psychopath yata itong lalakeng ito; masaya kapag nakakasakit.

"May sinasabi ka?" Nilingon niya ako saka tinaasan ng kilay habang nakasalong baba pa rin.

"Wala po. Sabi ko ang gwapo mo." Susubuan ko sana siya pero para naman siyang tanga na nakatulala tapos ang pula pa ng magkabilang pisngi pati mga tenga. "May sakit ka ba?"

"Wa-Wala!" sagot niya saka siya umiwas ng tingin.

"Try mo ito. Ako nagluto." Itinapat ko sa bibig niya iyong fork na may spaghetti tapos kinain niya naman iyon. "Masarap?" Tumango lang siya habang nakasimangot. "Subuan na lang kita, ha? Para bawas sa hugasin ni Yaya." Bakit ba ito nakasimangot? Parang matandang nagmemenopause.

Problema nito?

--

"L, bilisan mo!" Hinila ako ni Sheila papasok ng room pagkatapak ko sa pinto ng room namin. Halos mabingi rin ako gawa ng tili ng mga kaklase ko, including Sheila. "Tignan mo!" Mabilis na itinaas niya ang kamay paturo sa whiteboard sa gilid namin.

Tinignan ko iyong whiteboard dala ng pagtataka saka binasa ang mga nakasulat rito. "Mahal ko si L Punzalan." pabulong na na pagbasa ko sa nakasulat. Tinignan ko si Sheila at sakto na tumingin rin siya. Hindi ko na rin pinansin muna ang mga kaklase ko na tumitili at iyong ibang tinatawag ako. "Sino nagsulat?" tanong ko kahit may ideya na ako.

"Iyong boyfriend mo." sinabi niya habang kinikilig.

"Boyfriend?" Napatingin ako kay Chase para sa kaniya sana itanong kung sino dahil as far as I know, single ako. Baka kasi may iba pa akong boyfriend at hindi ako aware. Nawala iyong ngiti niya na nakabalandra kani-kanina lang habang nagkukulitan kami sa hallway. Nakasimangot lang siya ngayon, na parang dala-dala ang buong mundo. Sabagay. What's new, right? Palagi naman siyang nakasimangot. Humarap ako kay Sheila habang nakangiti kaya mas lalo siyang kinilig. Akala siguro niya, kukumpirmahin ko iyong sinabi nila na boyfriend ko ang nagsulat nito. "Pero, Sheila, wala naman akong boyfriend."

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon