10

246 16 1
                                    

-L

As soon as nakauwi ako, nagbihis kaagad ako tapos dumiretso sa bahay nina Chase kahit maggagabi na. Wala akong pakielam kahit na madisgrasya ako. Wala na akong pakielam kahit may pending project ako na dapat tapusin dahil ang mahalaga sa ngayon ay makita ko ang kaibigan ko. Tinawagan pa ako kanina nina Tita (parents ni Robi) at nakiusap na pumunta ako sa kanila kasi gusto nila ako makausap dahil nga nag-aalala na sila kay Robi pero itinurn down ko talaga ang pakiusap nilang iyon. Gustuhin ko man na pumunta para macheck man lang si Robi, hindi ko magawa dahil nga kay Chase. Sa ngayon, mas uunahin ko muna siya kaysa sa ex ko.

Doorbell ako nang doorbell sa gate pero walang tao na nalabas. Nang tumingin naman ako sa mga bintana, nakababa lahat ng blinders pati kurtina tapos nakapatay pa lahat ng ilaw. Kinuha ko rin iyong cell phone ko tapos tinawagan ko ulit nang tinawagan iyong number ni Chase. Nagriring, oo. Nagtext din ako nang nagtext pero hindi siya nagrereply.

You stupid Chase! Bakit hindi mo sinabi sa akin?! Nakakainis ka naman, eh!

Umakyat ako sa bakod nila at kumatok nang kumatok sa pinto pagkapasok ko pero wala talagang nasagot. Napagpasiyahan ko na lang na umuwi at ipagpabukas na lang ang pakay ko sa pagpunta sa bahay niya dahil baka kung ano pa ang mangyari sa akin rito.

Kinabukasan, hinintay ko siya buong araw sa school pero hindi siya pumasok. Pati iyong sumunod na araw, pati iyong kasunod nuon, hanggang sa umabot na ng isang linggo. At sa buong isang linggo ng paghahantay ko, si Dylan ang kasama ko. Tinotoo niya nga ang pagiging girlfriend ko sa kaniya.

Pero kahit na si Dylan ang kasama ko, nakay Chase naman ang isip ko.

"Babe, hindi naman puwedeng siya na lang palagi ang iniisip mo – ako ang boyfriend mo, hindi siya." reklamo ni Dylan matapos niyang bitawan ang kamay ko. Minsan, hindi ko talaga maiwasang mailang dahil sa rami ng matang sumusunod every single time na dumaraan kami nito sa hallway. Hindi ko nga alam kung ano nang iniisip ng mga tao tungkol sa akin pero hula ko, ang tingin nila, napulot ako nito at ikinakama tulad ng mga naunang girlfriend ng lalakeng ito.

Napabuntong-hininga ako saka nagsalita. "Dylan, puwede ba? Nag-aalala ako sa tao." Iniayos ko iyong pagkakaupo ko saka ko niyakap ang bag ko tapos ibinalik ko iyong tingin ko sa entrance ng school at tinitignan ang bawat lalakeng pumapasok. Nagbabakasakali lang kasi ako na makita ko si Chase.

Panibagong araw na naman. At sa araw na ito, hinihintay ko pa rin ang kaibigan ko. Hanggang ngayon kasi, hindi ko pa ito nakikita. Gabi-gabi rin ako nagpupunta sa bahay nila pero wala akong nadadatnan ruon. Kahit iyong mga maid, wala ruon. As in parang haunted house iyong bahay nila dahil walang katao-tao.

"L naman!" Pumunta siya sa harap ko tapos hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Parang hindi naman tayo dahil sa inaakto mo. Ni hindi mo nga pinaninindigan iyong pagiging girlfriend mo sa akin, eh."

"Dylan, clearly, hindi kita gusto. Alam kong alam mo iyon. So ano ang gusto mong gawin ko?" Marahan kong inialis iyong pagkakahawak niya sa akin saka ako napakamot sa batok dahil hiyang-hiya na ako sa inaakto niya.

"L, gusto kita. Gustong-gusto kita, sa totoo lang. Lahat na ng katarantaduhan, ginawa ko na para lang magustuhan mo ako. Ano? Hindi mo ba ako puwedeng magustuhan pabalik?" malumanay na pagkakasabi niya. This time iyong magkabilang pisngi ko naman ang hinawakan niya.

Just to make things clear, nakaupo ako sa isang bench sa tapat ng corridor habang siya, nakatayo sa harap ko. Nasa corridor kami kaya kitang-kita ng mga nadaan ang ginagawang eksena nito. Pinagtitinginan na talaga kami ng mga nadaan. Grabe naman kasi ang boses nitong lalakeng ito.

"To be honest, hindi. Depende na rin siguro iyan sa puso ko. Hindi ko kayang sagutin iyang tanong mo na iyan ng oo dahil hindi ko kayang turuan ang puso ko kung kanino ba ito dapat o hindi dapat tumibok."

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon