9

233 12 0
                                    

-L

Dalawang araw na ang lumipas nang makita ko si Chase sa field na walang malay. Tinatanong ko iyong nurse pero ang sinasagot lang nito sa akin, wala raw siya sa posisyon para sumagot sa mga tanong ko tungkol sa kaibigan ko.

Nag-aalala ako. Sobra. At naiinis rin talaga ako sa mga prof at sa nurse na iyon. Ayaw nilang sabihin kung ano nangyayari kay Chase. May karapatan naman siguro akong malaman kung ano iyong nangyayari sa kaniya kasi kaibigan ko siya, hindi ba? Alam ko na wala pa talaga ako sa posisyon na puwede ko na talagang alamin lahat ng bagay na umiikot sa mundo ng lalakeng iyon. We've only been friends for a while at hindi ko alam kay Chase kung tulad ng turing ko sa kaniya ang turing niya sa akin para basta-basta niya na lang sabihin sa akin lahat ng bagay tungkol sa kaniya. Of course it's a given that he'll still keep secrets that are too personal to reveal.

Tawag ako nang tawag sa kaniya pero hindi ko siya macontact. Ring lang nang ring iyong cell phone niya. Tinatadtad ko rin siya ng text at message sa Facebook pero ni-isang reply, wala akong natanggap.

Imbis na mainis ako sa ginagawa niyang hindi pagpansin sa pagcontact ko sa kaniya, kaba lang ang naramdaman ako. Siyempre, hindi ko alam kung ano na nangyari sa lalakeng iyon. Ngayon pa na narealize ko na sobrang importante niya sa akin dahil bukod sa pamilya ko, siya na lang ang mayroon ako.

Oo, alam ko na sa sinasabi ko, parang lumalabas na selfish ako kasi hindi ko nga alam kung ano nang lagay ni Chase tapos pangsariling kapakanan ko lang iniisip ko, which is sobrang mali. Pero kasi hindi ko maiwasan.

Hindi ko naman macontact iyong mama niya. Hindi ko kasi alam iyong landline o cell phone number ng mga tao sa bahay niya. At kahit gusto ko pumunta sa bahay nila, hindi ko magawa dahil nga sa projects na dapat tapusin. Iginagawa ko na rin siya ng isa sa mga project namin. Siyempre, ayaw ko naman na bumagsak siya nang dahil lang sa absences niya. At least kapag nagpasa siya ng project, may chance na hindi siya bumagsak, hindi ba?

"L, ikaw na." Kinalabit ako ni Angie at tinuro niya ang harap ng klase.

Napatingin ako sa harap. Ako na nga. Wala na iyong nagrereport sa harap. Isa rin kasi ako sa mga magrereport ngayon. Hindi ko lang alam kung makakapagreport ako ng maayos dahil nga lutang na lutang ako dahil sa pag-aalala kay Chase.

Tatanungin ko nga mamaya itong prof namin kung may alam siya tungkol sa kaibigan ko. Alam niya kasi na absent ito pero okay lang sa kaniya. It's either wala siyang pakielam o may alam siya. And I really have an idea that it's the latter part kasi he's just like any other profs out there; naiinis rin kapag may absent.

"Sir!" tawag ko rito saka ako tumayo at lumapit sa kinaroroonan niya. Nakalabas na lahat ng mga kaklase ko. Vacant na rin ngayon since eleven na. Tumigil siya sa pag-aayos ng gamit niya tapos tumingin sa akin.

"Oh, Punzalan, bakit?" Inayos niya iyong salamin niya saka ako tinignan sa mata.

"Sir, I just want to know something." Iniayos ko ang pagkakasabit ng bag sa balikat ko dahil bigla itong dumulas.

"What is it?"

"It's about Chase--"

"Punzalan, I'm not in the position to tell you what I know." pagpuputol nito sa sinasabi ko. Inilagay niya iyong mga gamit sa bag niya tapos lumabas na nang hindi man lang ako tinignan pagkatapos niyang sabihin sa akin iyon.

What was that all about?

Ano bang itinatago ng mga taong iyon tungkol kay Chase? More importantly, anong mayroon ang lalakeng iyon at ganuon na lang siya pagtakpan ng mga prof at nuong nurse? Ang weird lang kasi parang lahat silang faculty ng univ na ito, alam kung anong itinatago niya. At nakakainis lang kasi feeling ko, napag-iiwanan ako sa mga impormasyon tungkol sa kaibigan ko.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon