5

284 12 0
                                    

-L

"A-Ano?" I asked, baffled. Why on earth would he ask a question like that? Handa ba akong masaktan? Masaktan saan?

"Yes or no?" Hindi niya pinansin iyong tanong ko. Nakatingin lang siya sa mga mata ko. Honestly, I can't take my eyes off his eyes. Those... mysterious yet beautiful pair of gray orbs.

"Y-Yes..." Ewan ko ba sa sarili ko kung bakit ako pumayag. Kahit hindi ko alam kung ano iyong ibig sabihin niya sa handa ka bang masaktan na sinabi niya, nagyes na lang ako. Para naman kasing tanga; kakaibiganin lang ako, magbibigay pa ng trivia.

Nginitian niya ako saka hinawi ang buhok ko. "Just promise me one thing."

"Ano iyon?"

"Hangga't kaya mo, don't get yourself too attached to me to lessen the pain you'll feel someday."

Ilang araw na rin ang lumipas ever since naging kaibigan ko si Chase. It has been four days na. Tama, four days na. Pero parang hindi naman kami naging magkaibigan. Paano, ang tipid niya pa rin magsalita. Pero nag-evolve na siya. Naglevel up na kumbaga. Palagi nang nakangiti kapag kausap ako. Kahit pa sabihin na tipid siya magsalita, ngumingiti naman siya, na isang bagay na hindi niya ginagawa sa iba.

Nagtataka nga iyong iba naming kaklase kung paano ko naging kaibigan ito. Iyong iba naman na may crush sa nilalang na ito, na nakaubob sa desk habang tulog, gusto na ilapit ko sila rito para maging kaclose raw nila. Sinusubukan ko naman pero ang parating sinasabi niya, huwag na raw. Sapat na raw na ako lang ang kaibigan niya.

Medyo natouch ako nang sabihin niya iyon, siyempre. Parang... wow. Enough na talaga sa kaniya na ako lang kaibigan niya? He's the only person who told me that. Kahit si Leigh, hindi pa sinasabi sa akin ang mga katagang iyan. To think na mas matagal kami naging magkaibigan ni Leigh? At saka, bakit niya ba nasabi iyon? As if naman na kilalang-kilala niya ako. Maybe a sense of gratitude kasi naisip niya siguro na ako lang iyong nangulit, yata, para maging kaibigan niya? I don't know.

At sa four days na iyon, kahit ano ang gawin kong lapit kay Leigh, hindi niya pa rin ako pinapansin. Ako na talaga ang lumalapit at nag-eeffort since ako naman ang may kasalanan pero grabe lang kasi ang pagtatampo ng kaibigan kong iyon. Paano kami magkakaayos kung lalayuan niya ako nang lalayuan at hindi pakikinggan ang side ko?

Tao lang rin man ako, napapagod maghabol sa taong tinatakbuhan ako. At sa totoo lang, parang gusto ko nang maggive up sa paglapit sa kaniya para magsorry kasi napapagod na ako tapos nasasayang pa iyong pag-eeffort ko. Pero kasi mali kung basta-basta na lang ako maggigive up. Kapag ginawa ko iyon, parang itinapon ko na rin ang mga pinagsamahan namin. What we had is a treasure for me. Never ko igigive up si Leigh. Siguro medyo kakapit pa ako.

Iyong kay Robi naman, masakit pa rin. Iniiyakan ko pa rin ito, at si Chase lang ang tao lagi na nasa tabi ko para pagaangin ang loob ko. Just his mere presence is enough para gumaan iyong loob ko. Lagi ko pa nakikita na may kasamang babae si Robi kaya ang oa man, gusto ko maglupasay dahil sa selos. Tapos kapag magko-cross ang landas namin, kapag kasama ko si Chase, sinasamaan niya ng tingin si Chase. Ewan ko ba ruon. Kahit pa kasi sabihing sinasaktan niya ako, intentionally or not, mahal na mahal ko pa rin siya. At naghihintay pa rin ako, umaasa, nagpapakatanga, na babalik siya at sasabihing nagkamali siya at sorry kasi mali iyong desisyon niyang iwanan ako. Gustong-gusto kong marinig mula sa kaniya iyong mga salitang iyon.

Tanga na kung tanga pero tatanggapin ko pa rin siya kapag binalikan niya ako. Ganuon nga talaga siguro kapag nagmamahal, ano? Nagpapakatanga.

"Leigh..." Lumapit ako kay Leigh, na nakikipag-usap sa isa pa naming kaklase. Hindi niya ako pinansin, as usual. "Leigh, puwede ba tayong mag-usap?" pakiusap ko kahit alam ko naman na hindi niya na naman ako papansinin. Pero I wouldn't give up that easily kaya dapat pa akong magtiis.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon