Epilogue

597 25 26
                                    

-L

Chase Mendoza.

For me, our friendship is something... special. Well, all friendships are special but he gave a different feel to it. Minsan ka lang makakakita ng lalakeng katulad niya. He's that one of a kind type of guy na hindi na dapat pinapakawalan kapag nakuha.

He's worth fighting for.

He's worth dying for.

Pinaraanan ko ng mga daliri ko ang pangalan na nakaengrave sa bato at kasunod nuon ay ang hampas ng hangin sa buong katawan ko. "Chase, nandito ka ba?" Gamit iyong likod ng kamay ko, pinunasan ko ang magkabilang pisngi ko na basang-basa na ng mga luha. Bakit kasi nakalimutan ko magdala ng panyo?

Iyong araw-araw na magkasama kami, for me, it seems so magical. It's like nasa isang fairy tale book kami but with a catch. And the catch was, it has a pinch of reality.

Every day seems so magical, perfect, yet we feel the pain that reality give us.

"Alam mo ba, mahal na mahal kita." Natawa naman ako ng bahagya dahil sa sinabi ko. "Oo na. Paulit-ulit na ako. Siguro nga kung nandito ka, ilang beses mo na ako nabatukan dahil paulit-ulit ko iyon sinasabi."

I remembered when I first talked to him, pati iyong unang kita ko sa kaniya, I labeled him as the weird and creepy new guy. Lagi kasi siyang mag-isa. Binabakuran niya pa iyong sarili niya para mapalayo sa amin. And I was even amazed dahil nang kausapin ko siya, nakita ko iyong mga mata niya ng malapitan. He has gray-colored eyes and I find it cool.

Hindi ko naman alam na kaya pala niya inilalayo ang sarili niya sa amin ay dahil may mabigat siyang dahilan. Sa sobrang bigat, pati sarili niya, pinagkaitan niya ng happiness na sobrang deserve niya.

Ayaw niyang manakit ng tao. Sobrang caring niya. Sobrang loving niya.

Who wouldn't fall for a guy like that?

Napagpasyahan kong umalis na at umuwi para makapagpahinga. Masyado na rin akong maraming naikwento kay Chase. It's only been two weeks since he left us pero araw-araw, kada umuuwi ako from school, pumupunta ako sa sementeryo para bisitahin siya, para makipagkwentuhan kahit alam ko na hindi siya kailan man sasagot.

Naupo ako sa waiting shed para maghintay ng masasakyan pauwi. Inilabas ko iyong cell phone ko para itext si Leigh dahil may project kaming kailangang tapusin. Deadline na kasi sa makalawa kaya kailangan na namin iyon tapusin. Matapos kong itext si Leigh, itatago ko na dapat iyong cell phone ko pero biglang may tumawag.

Si Tito?

Sinagot ko naman iyon at kinamusta siya. Tinanong ko na rin kung bakit siya napatawag. Ang sinabi niya lang ay pumunta raw ako sa kanila dahil may ibibigay siya sa akin. Pumunta kaagad ako dahil baka importante. Siya ang sumalubong sa akin pati na ang ilang maid, na hanggang ngayon ay nagsstay pa rin sa kanila. "Po?" Paninigurado ko dahil baka mali lang ako ng narinig.

"Tara sa taas." pag-uulit niya.

Kahit nagtataka, sinundan ko pa rin siya paakyat sa second floor ng bahay nila hanggang sa makarating kami sa harap ng kwarto ng namayapa niyang anak. Nang makita ko iyong kwarto ni Chase matapos buksan ni Tito ang pintuan, iyong memories namin ni Chase sa loob ng kwarto niya, biglang nagsisulputan sa utak ko.

Lahat ng kulitan, lokohan, asaran, kalokohan-- lahat ng masasaya at nakakatakot na bagay na nangyari sa kwartong ito, nagflashback sa isip ko.

Pumasok si Tito tapos hinintay niya akong makapasok. Hindi na niya isinara iyong pinto tapos pumasok siya sa isang pinto sa kwarto. Iyon iyong damitan ni Chase.

Habang hinihintay ko si Tito lumabas, inilibot ko ang paningin ko.

I missed this place. Sa bawat sulok ng kwarto, nakikita ko iyong mukha ni Chase na nakangiti. Nang mapatingin naman ako sa kama niya, nakita ko siyang nakaratay duon habang katabi ako na natutulog sa isang upuan, binabantayan siya. Bago pa man ako makita ni Tito na umiiyak, pinunasan ko na kaagad iyong paunang luha na pumatak mula sa mga mata ko.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon