-L
"Chase, tignan mo." Pinalo ko ng mahina ang kamay niya na may hawak na cell phone habang nakaturo iyong isang kamay ko sa paru-paro.
Actually, naiinis na ako. Ang kulit kasi. Nanunuod ng anime na idinownload niya kani-kanina lang habang nakain kami rito sa bahay nila. Kanina pa kasi siya tutok na tutok sa pinanunuod niya. Mukha na nga siyang anime character, ang hilig pa niya sa anime. Kanina pa rin ako turo nang turo ng kung ano-anong klase ng mga napapadpad na mga paru-paro sa mini garden ni Tita pero ayaw niya naman tignan.
Narito kami sa bahay nila. Hindi pa nga ako nakakapagpalit ng damit kasi dumiretso na kami rito pagkauwi namin galing school. Nakapagpaalam naman na ako kay Ate kaya hindi na ako hahanapin nito. Kahit kasi malakas ang sayad nuon, maalalahanin rin iyon. Pinapunta kasi kami ni Tito kanina. Birthday kasi nito.
"Ah, ang galing." manghang sagot niya. Napatingin tuloy ako kaagad sa kaniya kasi akala ko talaga tinitignan niya iyong paru-paro pero hindi naman siya nakatingin.
Nako naman, Chase. Kung hindi lang kita... nako.
"Naman, eh." pabulong na ungot ko sabay padyak ko ng paulit-ulit. Kasi gusto ko nasa akin lang iyong atensyon niya – okay, fine. Sige, pati ruon sa cell phone niya. Kahit na pati cell phone niya, pinagseselosan ko, kahit na parang tanga lang. Kaysa naman duon sa Danelle na iyon siya nakatingin. Oo na. Ako na madamot sa atensyon nitong lalakeng ito. Kasi naman, kung makalingkis kay Chase iyon Danelle na iyon, parang tarsier lang. "Eehhh!" Kaagad akong napaiwas kasi bigla niyang kiniliti iyong loob ng tenga ko. "Chase!" suway ko saka ko itinakip ang dalawa kong kamay sa magkabilang tenga ko pagkaharap ko sa kaniya. Baka bigla niyang kilitiin ulit.
"Bakit nagtatampo ang baby ko?" Napaiwas ako bigla dahil tinusok niya ang pisngi ko. Augh! Ngayon naman iyong pisngi ko ang tinutusok niya.
Kasi gusto ko na ako lang iyong tignan mo. O, sige, kahit na pati iyong cell phone mo. Huwag na huwag ka lang susulyap kay Danelle, na kanina pa patingin tingin sa amin. Nagseserve kasi ito sa ilang bisita.
At teka, anong sinabi niya? Baby?
Naestatwa ako dahil sa sinabi niya pero nang makabawi ako, tumingin kaagad ako sa papa niya. "Tito!" Tumayo ako mula sa pagkakaupo matapos ko itong tawagin. Napatigil naman ito sa paglalagay nito ng pagkain sa hawak nitong plate tapos tumingin sa akin.
"Oh?" Inilapag niya iyong tongs na hawak niya sa tray ng food na pinagkuhanan niya kanina.
Iyong anak niyo po kasi, pinakikilig ako, hindi pa nga kami!
"Happy birthday po!" pasigaw na bati ko sabay takbo ko palapit sa kaniya. Napafacepalm na lang ako dahil sa isinigaw ko, na narinig pa ng ibang narito sa bahay, ng mga bisita. At ang nakakahiya pa, nakafacepalm ako habang tumatakbo hanggang sa makalapit ako rito.
"L, teka--" Muntik na matapon iyong plate nito dahil sa ginawa kong paghila. Buti na lang talaga at naayos kaagad nito. "Teka."
Hindi ko siya pinakinggan at hinila papasok sa loob ng bahay. Bago nga kami makapasok, lumingon ako sa puwesto namin ni Chase kanina. Nakita ko siyang nakatingin sa akin habang nakangiti tapos katabi na niya si Danelle na tumatawa.
Grabe na itong pagseselos ko na ito.
Iniwan ko rin si Tito at umakyat kaagad ako papunta sa kwarto ni Chase. Isinara ko muna iyong pinto dahil baka biglang may pumasok. Hinablot ko iyong frame na may picture niya na nakangiti at unan tapos pumasok sa cr ng kwarto niya. Wala na akong pakielam kahit trespassing nang maituturing ito. Ang mahalaga lang, maicontain ko itong nararamdaman ko. At saka, hinahanyaan na ako ng lalakeng iyon at ng pamilya niya na magpagala-gala sa bahay nila so hindi na issue ito.
BINABASA MO ANG
Chase Mendoza (Completed)
RomanceL Punzalan has it all -- a loving family, supportive bestfriend, a perfect boyfriend and a good academic status. Perpekto na ang lahat para sa kaniya dahil halos wala na siyang pinoproblema pero nagbago ang lahat nang pumasok sa buhay niya ang lalak...