14

250 12 0
                                    

-L

They say that falling in love with someone is like breathing air; hindi mo kayang pigilan.

True enough. Pero kapag masamang hangin na ang nalalanghap mo, you should look somewhere else na makakalanghap ka ulit ng sariwang hangin. Like in relationships. Bakit mo pa hahayaan na magstay sa isang relasyon kung nakakasama na iyon sa iyo at bakit hindi ka na lang humanap ng panibago na mas makabubuti para sa iyo?

I don't know how to measure love pero mas maging meaningful yata ang nakasama ko si Chase kaysa sa relationship ko rati with Robi. And I'm not staying beside him just because I pity him. I'm staying by his side because I love him.

Kahit pa hanggang magkaibigan lang iyong relationship namin, kahit pa masamang hangin ang nalalanghap ko sa relasyon na mayroon kami ni Chase, hindi ko pa rin kaya na umalis para humanap ng mas sariwang hangin. Ewan ko ba. Siguro kaya ko nasabi na mas meaningful iyong sa amin ni Chase ay dahil sa rami ng trials na pinagdaraanan namin in a short span of time kaysa sa relationship namin ni Robi dati. Noong kami pa kasi ni Robi, mas lamang talaga ang saya kaysa sa galit, gulo pati sakit. I don't even know kung dapat ko ba iweigh kung ano ang mas matimbang. Parang ang mali lang.

Best friends.

Hanggang diyan lang naman ang magiging relasyon namin ni Chase so it really isn't right to weigh both things. Nagtatalo na rin ang isip at puso ko dahil sa narinig kong balita from him. Ewan ko. Naguguluhan ako. Sobra.

He's not allowed to attend school anymore.

May parte ng utak ko na sinasabing okay lang since it's for his sake naman. Plus, the chance of having news about his condition spreading throughout the students in school will lessen. Pero iyong isang iniisip ko naman... paano ako? Hindi ko na siya makakasama. I know it's selfish at makakasama sa kaniya pero... gusto ko na nanduon siya, sa school, pumapasok, nakatabi sa akin, kasama ko.

Sumama kaya ako sa kaniya? Kapag... nawala na siya? The feelings that I have for him scares me. Hindi ko kasi maiwasan na hindi isiping sumama sa kaniya kapag iniwan niya kami. Kaya nakakatakot... sobra. No one has ever made me felt this way and I don't know how to handle thoughts like this. Ang hirap niya itulak paalis sa sistema ko kasi kahit ako, mahirap man tanggapin, alam ko na eventually, iiwan rin kami ni Chase.

Just the thought of him leaving kills me.

I know it's so damn stupid for me to even think about this pero wala, eh. Ayokong lokohin ang sarili ko pati na ang mga tao sa paligid ko na may alam sa kalagayan niya. Ayoko nang umasa. I'll just face reality head on. Chase will eventually leave me. Hindi niya man gustuhin, iiwanan niya ako. Halatang any day from now, o baka nga hours na lang ay hindi na niya kayanin. Baka bumigay na ang katawan niya.

I stopped brushing my teeth tapos ipinatong ko iyong dalawang kamay ko sa sink while still holding my toothbrush. Tumingin ako sa babaeng nakatayo sa harap ko-- ang repleksyon ko sa salamin. Pumikit ako at huminga ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. "L, be strong. Chase needs you. Kailangan niya ng kaibigan lalo na sa oras na ito."

Masokista ako, alam ko. Alam ko naman na masasaktan ako sa sasabihin ko pero sinabi ko pa rin, sa sarili ko pa. Pero kung kailangan ko sabihin sa sarili ko iyon para matauhan ako, then I will. Pakiramdam ko nga, dapat ko nang alisin ang nararamdaman ko para sa kaniya. I need to get it out of my system kasi tatlo ang magiging effect ng pagmomove on ko; I wouldn't get hurt kapag nireject niya ako if ever, he wouldn't have to be bothered dahil may gusto ako sa kaniya at higit sa lahat, hindi half-assed ang pagsuporta ko sa kaniya dahil wala akong itinatagong feelings. Masuportahan ko man siya, out of love iyon dahil magkaibigan kami at walang hidden meaning.

I fished out my phone from my pocket then sat at the toilet as I put down its cover. "L, tigilan mo ako." Nakita ko ang paglapit ng video kay Chase na nagsusulat. "Tsk. L, ano ba? Huwag kang makulit." Sumama ang tingin niya sabay takip sa camera ng cell phone.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon