11

234 13 0
                                    

-L

"Paano kayo tumagal nuong boyfiend..." Tumigil si Chase sa pagtatanong saka tumikhim bago ipinagpatuloy ang sasabihin niya. "...ex boyfriend mo noon?" tanong niya saka kinain ang hawak niyang Stick-O. Ang random naman nito nitong lalakeng ito. Kanina lang kasi, iba ang pinag-uusapan namin.

We're here at his house. Wala kasi kaming pasok. We decided to stay here to hang out. Actually I'm the one who insisted. Ayaw niya noong una pero kinulit ko talaga siya. Hindi naman ako nahirapan mapapayag siya kasi wala ang mga magulang niya. Ayaw niya raw kasi ako dalahin rito kapag narito ang mga ito dahil uulanin siya ng tukso.

He also confessed that he really doesn't have a sister. Kahit na alam ko na, I still, somehow, felt thankful kasi naging honest siya sa isang napaka-obvious na bagay. He said sorry a lot of times, na narindi na ako at niyaya na lang siyang kumain ng Stick-O na dala ko para matahimik siya. And thank God he did.

Chase and his sweet tooth.

"Hmm..." Napaisip ako ruon, ha? Paano nga ba? Kumagat muna ako sa Stick-O ko bago sumagot. "Kasi compatible kami? Mahal ko siya, mahal niya ako and we both love ourselves so compatible kami." proud kong sagot sa kaniya. Partly, iyon ang rason.

"So you think compatibility alone can make your relationship lasts? Paano iyong love?" tanong niya habang pinaglalaruan ang hawak niyang Stick-O. Kasasabi ko lang kanina na mahal namin ang isa't isa, ha? Nakikinig ba itong lalakeng ito?

"As to what I've said, we love--" Hindi niya ako pinatapos sa pagsasalita gamit iyong Stick-O. Ipasak niya kasi bigla sa bibig ko iyong Stick-O na nilalaro niya sa kamay niya.

"You know, love is the start of forever."

"Wow, big word. Forever?" matawa-tawang tanong ko. "Naniniwala ka ruon?" Hindi ko talaga maiwasan na matawa nang marinig ko mula sa kaniya iyong forever. Hindi ko alam; epekto siguro ito ng breakup namin ni Robi. Naging bitter na ako. Ayoko man pero ano ba ang magagawa ko, hindi ba? Ang lalakeng magpapatunay raw sa akin ng forever, nawala rin. So itinatak ko na talaga sa utak ko na kahit ano pang sabi ng kapartner mo na they'll show you what forever is, they wouldn't be able to do so kasi gagawa at gagawa ang mundo ng paraan para hindi maabot iyon.

Death even separate couples who has gone through a lot and grew old together so by that fact, maiisip mo talaga na wala nga talagang forever. Pangit man magpakabitter pero hindi ko lang talaga mapigilan.

"Actually, no." Natigil ako sa pagtawa nang titigan niya ako. Tignan mo itong lalakeng ito, ang gulo-gulo.

"Then bakit mo sinabi na love is the start of forever kung hindi ka naniniwala?"

"Iyon ang sabi nila. Pero... I don't think forever exists." Ngumiti siya, faint nga lang. "Forever doesn't exist. The only permanent thing in this world is change. Paano magkakaroon ng forever kung lahat ng bagay ay nagbabago? Even love? Iyong bagay na nagpapatunay na may forever daw?"

"Oo nga." mahinang pagsang-ayon ko sa kaniya. Nakakapanghinayang rin kasi ang forever. It's such a blissful thing to have an eternal love but the fact na natatapos rin ang lahat adds up to fact that our world is already fucked up so it really is sad to think na walang forever para kahit papaano, mapasaya ang buhay natin sa mundo. "Pero alam mo, I used to believe in forever. Kaso nawala iyong paniniwala kong iyon nang maghiwalay kami ni Robi. Akala ko kasi siya na, hindi pa pala. Siguro may mas pa sa kaniya na ibibigay sa akin para ibalik iyong paniniwala ko ruon." I added, kahit pa alam ko sa sarili ko na medyo malabo na para maniwala ulit ako sa bagay na iyon.

"Siguro." Tinignan niya ako sa mata. Nakakailang. "Siguro wala na." he said then he grinned like a mad dog.

Aba! Hindi puwede iyon! Kung puwede nga lang ikaw na, eh.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon