6

245 8 0
                                    

-L

"Yaaaaa!" sigaw ko habang pababa sa hagdan. Inilibot ko ang paningin ko habang bumababa pero walang katao-tao sa salas. Napangiti ako nang makita ang paglabas ni Yaya sa kusina. Nagpupunas pa ito ng kamay at mukhang naghuhugas ito ng pinggan nang hanapin ko.

Kaagad naman itong lumapit sa akin habang nagpupunas pa rin ng kamay. "Oh? L, anak, gising ka na pala." bungad niya matapos niya akong salubungin sa hagdan.

"Ah, opo. Ano po iyong iniluto niyo?" nakangiting tanong ko. May hula ako dahil sa naaamoy ko pero gusto ko lang kumpirmahin. Dumiretso kami sa kusina tapos binuksan niya iyong isang cover sa lamesa pagkaupo ko sa upuan.

"Heto," Ipinakita niya sa akin iyong bacons, eggs at saka fried rice na siyang nasa loob ng cover.

"Ya, sabay na po tayo." aya ko sa kaniya pagkatapos ko hawakan ang kutsara at tinidor na nakalapag sa plato na nakahanda na pero umiling lang siya.

"Nako, anak, huwag na. Katatapos ko lang rin. At saka, bilisan mo," Tumingin siya sa wallclock habang ako naman, inililipat na sa plato ko ang mga gusto kong kainin. "Hindi ba't may pupuntahan ka? Iyong kaibigan mo?"

"Ah, opo." Sumubo ako ng kanin tapos isinunod ko ang bacon. Nginuya't nilunok ko muna iyong pagkain sa bibig ko bago sumagot ulit. "Pupuntahan ko po si Chase. We need to review po kasi. Malapit na po ang exams, hindi ba?"

"Oh, sige. Bilisan mo na riyan. Pag-igihan ang pag-aaral, ha?"

Pagkatapos na pagkatapos ko kumain, nag-ayos na ako. Aalis na dapat ako pero biglang may tumawag sa landline. Pinutahan ko ito saka ito sinagot. "Hello?" Ilang segundo akong naghintay pero wala akong naririnig bukod sa paghinga ng tao sa kabilang linya. "Hello, sino ba ito?" Pag-uulit ko. Naghintay ulit ako ng ilang segundo pero ayaw talaga nitong sumagot! Nakakainis, ha?! Nagmamadali kaya ako!

"Aray, ha?" Si... si Dylan ba ito? Kaboses kasi niya. Pero bakit siya tumawag rito kung siya niya ito?

"Anong aray? Sino ba ito?" pagkukumpirma ko. Ayoko lang magjump sa conclusion na porque kaboses ni Dylan, iisipin ko na kaagad na siya nga ito. Mamaya, ibang tao pala ito, napahiya pa ako.

"Kahit sa paghinga ko hindi mo ako makilala?"

Ang arte ng boses nitong lalakeng ito, seryoso.

"Baka po kasi wala namang boses ang hininga." sarkastiko kong sinabi pero tinawanan lang ako ng lalake sa kabilang linya. What's his problem ba?

"You'll be mine soon, L Punzalan." banta niya tapos binabaan na ako.

Inilayo ko ang telepono sa tenga ko saka ito tinignan. Sino ba iyon? Hula ko kasi si Dylan. Kaboses kasi niya. Kung siya iyon, ano bang problema niya? May you'll be mine soon, L Punzalan pa siyang nalalaman.

Mabilis rin akong nakarating sa tapat ng bahay ni Chase. Tinignan ko iyong papel kung saan nakasulat iyong address ng bahay niya tapos tinignan ko rin iyong nakalagay na addess sa gilid ng gate. Just making sure. I really don't want to commit mistake. Nakakahiya kaya kung ibang tao pala nakatira dito.

Ilang beses ko pa tinignan ng paulit-ulit ang papel pati na ang address ng bahay bago ko nasabi sa sarili ko na ito na nga.

Mayaman pala sina Chase? Sabagay. Hindi naman siya makakapasok sa school na pinapasukan namin kung mahirap lang sila; unless he's a scholar. Sa totoo lang kasi, medyo may kamahalan talaga ang tuition fee sa school namin. At saka, malaki kasi iyong bahay niya kaya nasabi ko talaga na mayaman siya.

Ang gentleman lang rin kasi nuong lalakeng iyon. Sabi ko sunduin ako, pero ayaw. Tinatamad raw siya. Tinanong ko nga siya na paano kapag naligaw ako. Aba, ang sagot, pahanap raw ako kay Dora kasi may mapa iyon. Kainis.

Chase Mendoza (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon