Chapter 2

17.4K 628 22
                                    

AGAD na nagpahatid si Daisy sa binigay sa kanya ng kunduktor ng bus na sinakyan niya. Matapus niyang magbayad sa sinakyan niyang taxi ay agad niyang binitbit ang dala niyang bag. "Nakakalula naman ang mga bahay dito." Anito sabay tingala niya sa unang bahay na nakita niya.

"Saan naman ako maghahanap ng trabaho sa mga bahay na 'to? Ang lalaki, may palayas-layas ka kasing nalalaman. Ni biodata ay wala ka." Kausap nito ang sarili habang naglalakad.

At habang naglalakad si Daisy bitbit ang bag niya ay halos hindi na niya matandaan kung ilang bahay na ba ang nadaanan niya ng makaramdam siya ng pagud. Kaya bahagya siyang huminto sa paglalakad.

"Anong gagawin ko? Anak ka nga ng kamalasan oh!" Ani Daisy sabay tampal ng noo. Nakaramdam na rin siya ng gutom dahil sa pagud niya sa paglalakad. Wala naman siyang matanaw na pwede niyang kainan dahil puro matatayog na kabahayan ang  nakikita niya sa paligid.

"Hi! Miss, anong ginagawa mo dito?" Tanong ng sakay nang sasakyang huminto sa tapat niya. "Malamang naglalakad, alangan namang lumilipad." Pabalang nitong sagot.

"Alam naming naglalakad ka, kaya nga  nagtatanong kami sayo." Sabat naman ng isa sa mga ito.

"Hoy! Umalis kayo sa harapan ko bago ko ihambalos sa pagmumukha niyo ang dala kung bag. Alam niyo nagugutom pa naman ako ngayon. Ang tingin ko pa naman sa taong nasa paligid ko kung nagugutom ako ay lechong manok." Pananakot niya sa mga ito. Tila natakot naman ang mga ito at agad na umalis.

"Mga gago, hindi porket probinsyana ako e masisindak sa mga kagaya niyo. Ibahin niyo ako, bago mapitik ko ang mga two balls niyo ng wala sa oras." Iiling-iling nitong aniya.

Maya't maya ay malalim na bumuntong hininga si Daisy at muli siyang naglakad. Ngunit halos marating na niya ang dulo ng mga kabahayan ay wala man lang siyang kinatok ni isang bahay. "Ano bang nangyayari sa akin? Daisy hindi lalapit sayo ang trabaho, maghanap ka." Sita nito sa sarili.

"Anak ka nga ng kamalasan Daisy." Anito sabay punas ng pawis niya sa noo at huminto sa paglalakad. "Ayyyy.....kabayong buntis." Tili nito na agad nabitawan ang dala niyang bag.

"Get out of my way, bitch." Baritunong boses na nagpaitad sa kanya.

"Sorry po." Hinging paumanhin niya dito. Agad niyang binitbit ang bag niya at agad siyang tumabi mula sa dadaanan ng sasakyan.

"And what the hell are you doing here in front of my house?" Supladong turan sa kanya ng hindi kilalang lalaki.

"P-po, e naghahanap po kasi ako ng mapapasukang trabaho." Malumanay nitong sagot. "Geez! Suplado akala mo kung sino." Anito sa isip.

"Marunong ka ba ng gawaing bahay?" Tanong sa kanya ng lalaki.

"Opo."

Mabilis nitong sagot.

"Sige tanggap kana." Anang lalaki sabay pasok nito ng sasakyan niya sa loob ng bahay nito. "Hala! Ganun ka bilis. Tanggap na agad ako." Kausap nito ang sarili.

"Ay! Tanga, yan oh! Meron kanang trabaho. Ano pang tinutunganga mo dyan." Sita ng kabila niyang isip sa sarili. Agad kinuha ni Daisy ang dala niyang bag at dali-dali siyang pumasok sa loob ng bahay ng lalaking hindi pa alam kung ano ang pangalan.

"Mahirap na baka magbago pa isip niya." Anito sa sarili.

"You---

---ay! Kabayo." Biglang tili ni Daisy sa gulat. Bigla na lang kasi sumulpot sa harapan niya ang binata.

"Anong sabi mo?" Tanong sa kanya nito. "Patay ka ngayon Daisy. Wala kasing preno yang bibig mo." Sita nito sa sarili.

"Sorry po. Ginulat niyo po kasi ako." Anito sa kaharap. "Ay! Grabe besh, ang gwapo pa naman niya kaso suplado." Anito sa isip.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon