Chapter 4

15.5K 525 25
                                    

MATAPOS kumain ni Chase ay bahagya lang siyang nagpahinga ng tawagan niya ang isa sa mga pinagkakatiwalaan niyang taohan. Dahil sa mga nauna niyang plano ay puro pumalya ata ang mga taong nasa likod ng plano niya para gumalaw.

"Boss, may ipag-uutos kayo?" Bungad ng nasa kabilang linya. "Oo, gusto kung sa lalong madaling panahon ay dalhin niyo sa akin ang mag-asawang Belmonte." Anito sa kausap.

"Okay Boss, bukas po ay nasa harapan niyo na sila." Pagtalima ng kausap niya.

Matapus makausap ni Chase ang taohan niya ay saka siya nagpasyang umakyat ng kanyang silid.

"Kung nakawala ka ngayon sa akin ay tingnan natin ang tapang mo kung isa sa mga mahal mo sa buhay nasa kamay ko Belmonte." Ani Chase sa malademonyong pag-iisip.

Sa kalagitnaan ng pagkakatulog ni Chase ay muli na naman siyang dinalaw ng isang panaginip. "Anak, mahal na mahal kita." Boses ng isang babaeng umiiyak.

"Anak, mahal na mahal kita. Kung nasaan ka man ay sana masaya kana." Muling anang babae.

"Sino ka?" Katagang lumabas sa bibig ni Chase. Ngunit biglang nawala ang babae sa kanyang paningin. "Sino ka?" Pag-uulit pa nito. Ilang segundo lang ang dumaan ay biglang napabalikwas ng bangon si Chase.

"Shit!"

Naisatinig nito sabay hilamus niya ng mukha gamit ang dalawang kamay. Tila hinihingal siya dahil sa panaginip niya. Hindi lang isang beses niya iyon napapanaginipan kundi makailang beses na ngunit hindi niya makita ang mukha ng babaeng umiiyak.

KINABUKASAN ay maingat na nag-inat ng mga kamay niya si Daisy. Maya't maya ay bigla siyang napabalikwas ng bangon ng mapansin niyang nasa loob siya ng kanyang silid.

"Teka! Bakit ako nandito, bakit ako nakarating dito sa kwarto ko. Ang natatandaan ko e nanonood ako ng TV sa sala." Kausap nito ang sarili. Ng mahimasmasan siya ay patakbo siyang pumasok sa loob ng banyo at naghilamus ng mukha. Ng masiguro niyang maayos na ang sarili niya ay saka siya lumabas ng kanyang silid.

Agad hinanap ni Daisy si Chase sa loob ng bahay ngunit hindi niya ito nakita kung saan. Kaya kunot noo siyang napaupo sa couch sabay sandal niya ng likod sa upoan.

"Nasaan kaya ang unggoy na yun?" Tanong nito. "Hays! Bahala nga siya sa buhay niya." Dagdag pa nito sabay tayo at nagtungo sa kusina.

"Hey! Thank you sa dinner. Don't look for me. Maaga akong umalis ng bahay dahil meron akong importanteng trabaho."

Basa ni Daisy sa note na nakadikit sa pinto ng ref. Kaya naman nagkibit balikat na lang siya at nagpasyang gumawa ng agahan niya.

Matapus kumain ni Daisy ng agahan niya ay saka siya umakyat sa silid ni Chase. Agad niyang kinuha ang mga maruming damit ng binata upang labhan.

"Bakit kaya laging busy ang unggoy na yun. Ano kaya ang pinagkakaabalahan niya?" Tanong ni Daisy sa sarili habang inaayos niya ang kama ni Chase. "Eh! Ano bang pakialam mo Miss Abraham kung ano ang pinaggagawa ng boss mo, ha." Sita nito sa sarili.

"Nakalimutan muna ba ang ginawa niya nung isang araw, mukha siyang unggoy na inagawan ng saging. Hays! Ang hirap spellingin ang ugali ng boss mo inday." Kausap pa nito sa sarili na natatawa.

****flashbacks****

Lakad upo ang ginagawa ni Chase ng makita ito ni Daisy. Kaya puno ng pagtataka ang makikita mo sa mukha ng dalaga. Panaka-naka ay sinusulyapan niya ito.

Nang tumunog ang tawagan ni Chase ay mabilis pa sa alaskwatro ng sagutin niya iyon. "Hello." Sagot nito sa tawagan.

"Boss, may problema po tayo. Nawawala si atty. Vilasquez. Walang makapagsabi kung nasaan siya maging ang pamilya niya ay nawawala." Pagbabalita ng taohan niyang kinakuyom ng kamao ni Chase.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon