Chapter 9

16.8K 572 15
                                    

ANG simpleng palitan nila Chase at Daisy ng halik ay nauwi ito sa mainit na palitan ng halik. Naging malikot narin ang mga kamay ng binata. Kaya ng dumapo ang isang kamay ni Chase sa dibdib ni Daisy ay bigla itong napaliyad. Kahit meron siyang suot na damit ay ramdam niya ang init na nagmumula sa binata.

"Ohhmm." Kahit anong pigil ni Daisy na wag mapaungol ay kumawala parin ang munting ungol sa kanyang mga labi.

Nang pakawalan ni Chase ang labi ni Daisy ay bumaba naman ito sa leeg ng dalaga. Lumipas ang minuto ay biglang nahimasmasan ang binata. Sumusubra na atah siya. Ayaw niyang samantalahin ang kahinaan ng dalaga. Gusto niyang maging handa muna ito at iparamdam ditong seryoso siya sa nararamdaman.

"Baby."

Paos nitong tawag sa dalaga. Bigla naman itong napaangat ng mukha. Pagtataka ang makikita mo sa mga mata nito.

"I'm sorry. Hindi ko lang napigilan ang sarili ko. But I respect you very much. I know kung sabihin ko man sayong gusto kita ay baka hindi ka lang maniniwala sa akin. But I want to prove you that your a special girl for me and I want you to be my woman till I'm breathing." Anito. Hindi naman alam ni Daisy kung ano ang isasagot sa tinuran ng binata.

"It's okay. I'm willing to wait baby, hanggang mapatunayan ko sayong gusto kita." Anito. "Thanks." Tanging naisatinig ng dalaga.

Dahil sa nangyari ay naunang pumasok sa loob ng banyo upang maglinis ng katawan ay si Daisy. Hindi rin naman siya nagtagal ng lumabas siya ng banyo. Kaya si Chase naman ang sumunod ditong naglinis ng katawan.

Agad nagpalit ng damit si Daisy ng makita niya ang damit na nakapatong sa ibabaw ng kama. Naisip niyang iba talaga ang buhay mayaman dahil mukhang madali lang para sa kanila ang lahat. Ang mga bagay-bagay e parang isang pitik lang nila ay nagagawa agad nila ito.

Paglabas ni Chase ng banyo ay nakasampa na sa kama si Daisy. At agad itong nag-iwas ng tingin ng makita niya ang katawan ng binata. Hindi siya sanay na makakita ng ganung bagay. Dahil feeling niya ay nawawala ang pagkainosente ng mga mata niya. Agad naman napansin ni Chase ang pag-iwas ni Daisy ng mga mata. Kaya mabilis siyang nagdamit.

"Matulog na tayo." Ani Chase ng makasampa siya sa kama. Isang tipid na ngiti at tango lang ang itinugon dito ng dalaga.

Habang nakahiga silang dalawa sa kama ay tila naging mailap naman ang antok kay Daisy. Ang akala niya ay nakatulog na ang kasamang binata. Ngunit ang hindi niya alam ay pinapakiramdaman lang siya nito.

"Baby, may problema ba?" Hindi nakatiis si Chase ay tumagilid ito ng higa at humarap kay Daisy. "Huh! Namamahay atah ako." Sagot nito. Kaya agad umusog dito si Chase.

"Isipin mo nasa bahay lang tayo." Ani Chase ng makalapit siya kay Daisy at pinaunan niya ang dalaga sa kanyang braso. Napabuntong hininga naman ang dalaga na humarap ng higa kay Chase sabay pulupot niya ng isang kamay sa tagiliran ng binata.

Dahil sa ginawa ni Chase ay saka pa nakatulog si Daisy. Maging si Chase ay agad din itong hinila ng antok.

KINABUKASAN ay hindi na muna umuwi sina Chase at Daisy. Magkakaroon kasi ng party sa tahanan ng magulang nila Chase. Kaya mas lalong nakilala ni Daisy ang ina ni Chase maging si Aslea Dennisse. Maging ang pinsan nila Chase na si Danica ay nakilala rin ni Daisy. Hindi nila namalayan ang oras ng sumapit ang kinahapunan.

"Cousin, hihiramin ko lang si Daisy sayo." Maya ay ani Danica na ipinagtaka ni Chase. "Pupunta lang kami sa salon. Dahil gusto kung maganda kami ni sis Daisy tonight. Baka kasi may makita kayong ibang babae sa mga guest e makalimutan niyong meron kayong mga girlfriend." Agad nitong paliwanag.

"Hindi yun mangyayari. I admire Daisy for being a simple girl. Makita siyang ganyan ay maganda parin siya sa paningin ko." Ani Chase na kinangisi nila.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon