MABILIS na lumipas ang mga araw at linggo mula ng makabalik ng Pilipinas sina Chase at Daisy. Masasabing maayos ang pagsasama nilang dalawa. At laging ipinagdadasal ni Daisy na sana ay hindi magbabago ang pakikitungo sa kanya ng nobyo. Dahil natatakot siya na baka isang araw ay bigla itong magsawa sa kanya. Ngunit lagi naman din ipinaparamdam sa kanya ng nobyo na wala itong balak iwan siya o ipagpalit sa iba.
"Saan ba tayo pupunta?" Taka paring tanong ni Daisy sa nobyo. Pagkauwi kasi nito galing opisina ay bigla na lang siyang sinabihan ng nobyo na mag-impake ng ilang gamit nila dahil aalis sila. At kanina pa niya ito tinatanong kung saan sila pupunta ngunit isang ngiti lang ang sinasagot nito.
"Basta malalaman mo pagdating natin doon." Ani Chase sabay halik niya sa likod ng kamay ng nobya. Kaya napabuntong hininga na lang ang dalaga sabay sandal niya ng likod sa upoan. Nitong nagdaang mga araw kasi ay mas gusto niyang matulog kesa magpupunta kung saan.
Makalipas ang oras ay biglang huminto ang sasakyan ng binata. Agad itong inipark ni Chase. Ata kunot noo namang nakatingin sa labas ng sasakyan si Daisy ng makita niya ang pantalan.
Agad na bumaba ng sasakyan si Chase saka mabilis na gumawi kung saan nakaupo ang nobya. Agad niya itong ipinagbukas ng pinto. Habang kinukuha ni Chase ang gamit nila ng nobya ay mataman namang pinakatitigan ni Daisy ang malaking barko na nakadaong.
"MONTE SILVA CRUISE"
Basa ni Daisy sa malaking pangalan na nakasulat sa malaking barko. Maya't maya ay nag-isip siya kung sino nga ba sa magkakaibigan ang Monte Silva. Hanggang sa maalala niya si Kurt.
"Hubby, kanino ang barkong yan?" Sabay turo nito kay Chase. "Pag-aari ni Kurt Monte Silva." Sagot naman dito ni Chase sabay pulupot niya ng isang kamay sa baywang ng nobya at inakay ito. "At sasakay tayo dyan." Dagdag pa nito.
"Hindi nga?" Anitong nangingislap ang mga mata. Mabilis namang kinindatan ni Chase ang nobya. "Wow! Sa wakas ay makakasakay rin ako ng barko." Masaya nitong aniya sa nobyo.
Kay lapad ng pagkakangiti ni Daisy habang paakyat sila ng Monte Silva Cruise. At ng makapasok sila sa loob ay agad nilang namataan ang mga kaibigan nilang lahat na nandoon rin.
"Mister, bakit nandito rin ang mga kaibigan niyo?" Pabulong nitong tanong sa nobyo. "Dahil papakasalan ng kapatid ko si Aslea Dennisse ng surprise." Napatango naman ang dalaga sa naging sagot niya.
At dahil kumpleto ang magkakaibigan ay puro asaran at kantyawan naman ang ginawa ng mga ito. Kaya habang tumatagal na nakakasalamuha ni Chase ang mga ito ay nasasanay narin siya. Masaya rin namang kasama ang mga ito kahit puro kalukuhan ang lagi nilang pinaggagawa.
Kinagabihan ay umusad ang Monte Silva Cruise. Dahil ang lahat ng guest ay dumating na kaya maari na itong maglayag. At tuloy rin ang kasiyahan sa loob ng malaking barko. At dahil ayaw ni Yugene ng stag party ay kaya nagkasiyahan na lang silang lahat na naroon.
"Sis, okay ka lang?" Tanong ni Jasmine kay Daisy ng makita siya nitong panay hikab niya. "Oo, inaantok lang ako." Nakangiti nitong sagot.
"Sigurado akong laging pinapagud ni Chase itong si Daisy kaya inaantok ito ng maaga." Biglang ani Raids na kinatawa nila. Magkakasama kasi ang mga girls ng mesa at ang mga boys naman ang magkakasama.
"Naku! wag kana magsalita sis, masipag kumayod ang lalaking yun." Anito. "Magkakaibigan nga sila. Masisipag kumayod sa araw at gabi." Segunda naman ni Erica. Kaya napuno ng tawanan ang mesa nila.
Lumipas ang oras ng magkanya-kanya sila ng alisan. Ang bawat isa ay nagtungo sa kani-kanilang mga silid.
KINABUKASAN matapus ang kasalang Yugene at Aslea Dennisse ay masaya ang lahat habang nasa reception ang mga ito. Kanya-kanyang bigay rin ng minsahe ang mga ito sa bagong kasal. Samantala si Daisy naman ay panay takip nito ng bibig. Pakiramdam kasi niya ay nasusuka siya na ewan. Ganun siya kung wala sa tabi niya ang nobyo. At kung nasa malapit lang si Chase ay masyos naman ang pakiramdam niya.
BINABASA MO ANG
HE TOOK MY HEART(Completed)
General FictionCHASE Sylvan BELMONTE-Namulat sa maling paniniwala. Kinamuhiaan niya ang pamilyang siya pala niyang totoong pamilya. Ang mali niyang paniniwala ay mababago pa kaya o magiging huli na ang lahat?