Chapter 19

15.1K 514 24
                                    

ISANG surprise party ang inihanda ni Chase para sa nobya. Gusto niyang magpaparty dahil magkakaroon na sila ng little Chase. Malakas kasi ang pakiramdam niyang lalaki ang ipinagbubuntis ni Daisy. At gusto rin niyang magpasalamat at nakilala niya ang tunay na mga magulang. Pagkakaroon ng kapatid at mga kaibigan na handa kang tanggapin at tulungan magin ano man ang nakaraan mo. Hindi ka huhusgahan sa pagkakamaling nagawa mo. At higit sa lahat kaya siya nagpahanda ng surprise party ay dahil gusto niyang pormal na magproposed sa nobya.

"C-chase, saan na naman ba tayo pupunta?" Tanong ni Daisy sa nobyo habang nasa sasakyan sila. "At si nanay, but wala sa bahay?" Taka rin nitong tanong na kinangiti ng nobyo.

"Baby, meron tayong party na dadaluhan." Sagot dito ni Chase habang nakatuon ang kanyang mga mata sa daan. Dahil sa naging sagot ng binata ay nagpasyang manahimik na lang si Daisy, hanggang sa narating nila ang lugar kung saan idadaos ang okasyon.

Agad bumaba ng sasakyan si Chase at dali-dali itong gumawi sa kabilang side kung saan ang nobya nakaupo. Agad niya itong ipinagbukas ng pinto at inalalayang makababa ng sasakyan.

Maingat na inalalayan ni Chase ang nobya na maglakad papasok sa venue ng party. Tudo ingat siya sa nobya dahil na rin sa nagdadalang tao ito.

Ng makapasok sila sa loob ay agad namataan ni Daisy ang mga kaibigan nilang lahat na naroon. Maging ang ina ni Daisy ay agad niya itong namataan doon. Kaya pala ito wala sa bahay ay dahil nauna na ito sa kanila. At ng makita naman sila ng mga kaibigan nila ay agad kumaway ang mga ito sa kanilang dalawa.

"Hey! Bro, congrtas." Si Jeb na agad kinamayan si Chase. "Thanks bro." Agad naman niyang tinanggap ang kamay ni Jeb.

"Bro, congrats. Tumubo na pala ang itinanim mo." Si Axel na akay-akay nito ang kanyang anak na si Asher Jade. "Basta masipag daw bro, may aanihin." Pilyo nitong sagot. Kaya natawa naman si Axel sa naging sagot niya.

"Bro, malapit kana makipaghabulan sa little Chase mo." Si X na agad niyang ginulo ang buhok ni Asher Jade. "Kaya nga bro, excited na ako." Anito. Agad naman siyang tinapik ni Alex sa balikat.

Lumipas ang oras ng magpaalam si Chase sa nobya. Iniwan niya itong nakaupo kung saan ang mesa ng kanyang magulang. Hindi rin naman nagtagal ay bumalik ito. At sa pagbalik niya ay may nag-abot sa kanya ng microphone na agad naman niyang tinanggap.

"Ehmmm," bahagya itong tumikim na kinatingin ng lahat sa kanya. "Leadies and gentlemen I would like to thank you for coming tonight. I know some of you is corious kung para saan ang okasyong ito." Anito. Tahimik namang nakikinig sa kanya ang lahat.

"Ang okasyon ito ay para po magsalamat ako sa inyong lahat na nandito. To my family, friends and my girl." Saad ni Chase sabay tingin sa kanyang mga magulag at nobya.

"Gusto kung magpasalamat sa aking parents na nandito. Mom, Dad, thank you for giving me a chance to be your son. I know I made a mistakes but you still accept me no matter who I am. I'm sorry po sa mga bagay na nagawa ko." Dahil sa tinuran ni Chase ay hindi naiwasan ng kanyang ina na hindi maging emosyonal. Kaya agad itong nilapitan ni Chase at humalik siya sa pisngi ng ina sabay yakap niya dito mula sa likod. "I love you, mum." Saad pa nito sa ina.

"I love you, too, son." Sagot ng kanyang ina. "Hey! Dad." Agad din siyang humalik sa noo ng ama na agad siyang tinapik sa balikat. "Thanks Dad." Anitong nginitian naman ng kanyang ama.

"Tito Greg, thank you for everything. Kung wala siguro kayo ay baka hanggang ngayon ay hindi parin ako namulat sa tamang daan. Kung wala kayo ay baka mas dumami ang buhay na masisira dahil sa akin." Anito kay Greg.

"Bro, thank you for giving me a chance to be your big brother." Saad naman nito kay Yugene ng balingan niya ito. Isang tango lang ang binigay nito na sinamahan niya ng ngiti. "Sa inyong mga kaibigan ko at bagong kaibigan. Thank you, thank you sa pagbubukas niyo sa aking ng friendship. Kahit kayo na ang mga siraulong kaibigan na nakilala ko ay hindi parin matatawaran ang kabaitan niyo. Yung mga kaibigan na handang tumulong ng walang hinihintay na kapalit. Thank you guys." Pasalamat din nito sa mga ito at kanya-kanya naman ng taas ang mga ito ng hawak nilang glass of wine para kay Chase.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon