KINABUKASAN ng magising si Chase ay agad niyang nasapo ang ulong nanakit. Magtatangka na sana siyang babangon ng makita niya ang payapang natutulog na si Daisy. Oo, nga pala kasama niya itong natulog. Mataman niya itong pinakatitigan hanggang sa mapangiti siya. Ang amo kasi ng mukha nito at kahit natutulog ito ay ang ganda parin niyang pakatitigan.
Mga ilang minuto rin niya itong pinakatitigan hanggang sa hawiin niya ang ilang hibla ng buhok na tumabing sa mukha ng dalaga. Tila naramdaman siya ng dalaga kaya dahan-dahan itong nagmulat ng mga mata.
"A-alam kung maganda ako." Ani Daisy sa namamaos na boses. "I know, kaya nga tinitingnan kita e." Walang kagatul-gatul ditong sagot ni Chase.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" Pag-iiba ni Daisy ng usapan nila ng binata. Bigla kasi siya nakaramdam ng pagkailang dito dahil gahibla na lang pagitan nila sa isa't isa. "Medyo masakit lang ang ulo ko." Sagot nito. Agad naman hinawakan ni Daisy ang ulo ng binata.
"Next time kasi ay wag kana uminom ng marami. At next time ay ayaw ko nang nakikita kang malungkot." Saad dito ng dalaga. "I won't promise but I'll try." Naging sagot lang dito ni Chase.
"Okay. Um...ano ang gusto mong kainin for breakfast?" Maya ay tanong dito ng dalaga. "Ikaw." Sagot nitong kinapula ng mukha ni Daisy.
"Chase, wag mo ako pinagluluko." Saad dito ni Daisy sabay tampal niya ng mahina sa balikat ng binata. Napangiti naman dito si Chase dahil hindi na boss ang tawag sa kanya ng dalaga. "Alam mo bang ang sexy pakinggan kapag tinatawag mo ako ng Chase." Hindi mapigilang anang binata dito.
"Tsk! Ewan ko sayo." Ani Daisy. Aalis na sana siya sa kama ng bigla siyang hilain ng binata kaya agad siyang bumagsak sa katawan ni Chase.
"C-chase." Nauutal nitong tawag sa binata. "Yes! Baby." Nakangitin sagot dito ni Chase.
"M-maligo kana muna at maghahanda ako ng breakfast." Pag-iwas nito sa binata dahil hindi siya sanay na nasa malapit ang binata.
"Later baby. Just stay." Anito sabay pulupot niya ng dalawang kamay sa baywang ni Daisy. Walang nagawa ang dalaga kundi ang huminga ng malalim at idikit ang mukha sa dibdib ni Chase.
"Chase."
"Hmmp?"
"Diba nasa hospital ang mommy mo? Kailangan mong pumunta doon." Saad niya dito sabay angat niya ng mukha at tiningnan niya ang binata.
"Yeah! Gusto mong sumama?" Anito kay Daisy. "Um. Next time na lang. Kailangan niyo ng privacy na mag-anak." Nakangiti ditong sagot ni Daisy. Hindi niya maipaliwanag ang nararamdaman ngayon. Basta naninibago siya sa nararamdaman niya.
"Okay!"
"Kaya bumangon kana at maligo. Maghahanda lang ako ng breakfast natin." Malambing nitong turan sa binata na napangiti. "Fine. Sinabi mo e." Pagsuko nito.
Kaya ng pakawalan niya sa pagkakayakap ang dalaga ay agad itong bumangon sa kama at nakangiting lumabas ng silid ni Chase. Ng makalabas si Daisy sa kwarto ni Chase ay bigla niyang nahawakan ang dibdib. Tila dinadaga kasi ito sa bilis ng pintig. Upang kalmahin ang sarili ay mabilis siyang pumasok sa kwarto niya at nagtungo sa loob ng banyo.
Samantala ng makaalis si Daisy ay kay lapad ng pagkakangiti nitong pumasok sa loob ng banyo. "It's a new day, it's a new life." Anito sabay bukas niya ng shower.
"Geez. Daisy." Nangingiti nitong aniya. Hindi niya alam kung bakit hindi mawala-wala sa isip niya ang dalaga.
Matapus niyang maligo ay agad siyang nagbihis bago siya lumabas ng kanyang silid at nagtungo sa kusina kung saan naririnig niya ang dalagang naghahanda ng agahan nila. Mataman niya itong pinagmasdan ng makita niya ito. At habang nakamata siya kay Daisy ay naisip niyang ang sarap pala sa pakiramdam na meron kang nakikitang ganun sa bahay mo. May nag-aalala sayo, nagpapaalala sayo ng bagay-bagay, naghahanda sayo ng makakain mo. Everything is feel special for Chase.
BINABASA MO ANG
HE TOOK MY HEART(Completed)
Aktuelle LiteraturCHASE Sylvan BELMONTE-Namulat sa maling paniniwala. Kinamuhiaan niya ang pamilyang siya pala niyang totoong pamilya. Ang mali niyang paniniwala ay mababago pa kaya o magiging huli na ang lahat?