DAHIL sa nangyari sa ina nila Chase ay agad nilang isinugud ito sa hospital. Buhat-buhat ni Chase ang ina papasok ng hospital at agad naman silang sinalubong ng mga nurse na may dalang stritcher.
"Sir, hanggang dito na lang po kayo. Wag po kayong mag-alala dahil gagawin namin ang lahat for the patient." Anang nurse na pinigilan sina Chase. Kaya napasabunot si Chase ng buhok ng tuluyang mawala sa paningin niya ang ina.
"God damn it. It's my fucking fault." Ani Chase sabay suntok niya ng pader.
"Hey! Calm down, walang mangyayaring masama kay Mommy. At maawa ka naman dyan sa pader dahil walang kalaban-laban sa'yo." Awat dito ni Yugene na nilakipan niya ng pagbibiro ang tinuran.
"How could I stay calm, kung hindi dahil sa'kin ay hindi hihimatayin...." bahagya itong huminto ng sasabihin at tiningnan niya bahagya ang kapatid. "Nanay natin." Dagdag nito.
"Son, your brother is right. Calm down, matapang ang mommy niyo. Kaya I know walang mangyayaring masama sa kanya." Saad naman ni Vaughn sa anak. Kaya napabuntung hininga na lang si Chase sabay sandal niya sa pader kung saan siya nakatayo.
Si Yugene naman ay hindi niya alam kung tatawa ba siya o ano dahil sa hitsura ng kapatid niya. Parang nakikinita din kasi niya dito ang sarili. Naisip niya ang pangit pala niya kung umiyak siya o nagwawala.
"What? May nakakatawa ba?" Kunot noong tanong ni Chase kay Yugene. "Nope, nothing." Sagot nito. Pero hindi siya naniniwala sa naging sagot ng kapatid niya.
"Bro, mauna na kami sa inyo. Balitaan muna lang kami. Dahil I think wala ng problema dito kundi ang pakalmahin lang itong kuya mo." Ani Frank kay Yugene. Napaangat naman dito ng tingin si Chase. Gaya ni Yugene ay may ngiting sinusupil ang kaibigan ng kapatid ni Chase.
"Sige bro, thanks sa inyong lahat." Saad dito ni Yugene.
"Bro, titigan mo ang kuya mo. Ganyan ka rin kapag umiyak o nagwawala. Kaya hindi bagay sa inyo, ang sagwa tingnan." Pabulong namang anang kaibigan ni Yugene na umabot parin sa pandinig ni Chase. Sumama rin kasi ang mga ito sa loob ng hospital.
Habang nakatayo si Yugene at Greg ay natatawa ng lihim ang dalawa na kinakunot ng noo naman ni Chase at Vaughn.
"Anak ka nga ng tatay mo." Ang naisatinig ni Greg na natatawa.
"What?"
"Sabi ko anak mo nga si Chase, pariho kayo ng ugali e. Ganyan na ganyan ka rin noon kuya e. Kapag natataranta, nagagalit, nagwawala o umiyak." Saad ni Greg sa kapatid sabay tawa dahil sa huling katagang binanggit.
"Tito bakit ano ba si Daddy noon?" Ani Yugene na nagpipigil rin na wag matawa. Maging si Chase ay nacurious din ito kaya napatayo ito ng tuwid.
"Ang daddy mo noon, minsan na yan gumawa ng kabaliwan. Wala ang lolo at lola niyo noon dahil nasa Europe sila. Kaya kami lang ang naiwan sa bahay kasama ang mga kasambahay at si yaya. At dahil mahilig maglaro ng basketball ang daddy niyo----
---oh! No, wag muna i-kwento yan sa mga anak ko Greg, parang awa muna." Ani Vaughn na tinawanan lang ni Greg.
"Oh! Anong nangyari tito?" Curious din na tanong ni Chase.
"Dahil nga sa kaadikan ng daddy niyo sa paglalaro ng basketball ay kahit sa loob ng bahay ay dumadunk yan siya, kahit sa loob pa ng room niya ay sige parin siya. At dahil halos magiba na ang pinto ng kwarto niya sa kakashot niya doon ng bola ay biglang pumasok si Yaya sa room niya para sitahin siya. Kaso pagbukas lang ng pinto ay tumama sa mukha ni Yaya ang bola. At dahil sa lakas ng tama ng bola sa mukha ni Yaya ay bigla siyang hinimatay." Pagkwekwento nito.
"And then what happened tito?" Tanong naman ni Yugene.
"Nagwala ang daddy niyo at sinuntok niya ang bolang ginagamit sabay makaawa kay Yaya na gumising pero hindi ito nagising. Kaya umiyak siya. Sabi niya this is my fucking fault kaya tumama sa mukha ni Yaya ang bola. Kung pano umasta si Chase ay ganyan din ang daddy niyo. Parang praning na siraulo." Ang ani Greg na kinatawa ni Yugene. Napakamot naman ng ulo ang dalawang mag-ama. "Nilaglag mo ako sa mga anak ko. Ganun ka rin naman." Pagtatanggol ni Vaughn sa sarili sa harap ng mga anak.
BINABASA MO ANG
HE TOOK MY HEART(Completed)
General FictionCHASE Sylvan BELMONTE-Namulat sa maling paniniwala. Kinamuhiaan niya ang pamilyang siya pala niyang totoong pamilya. Ang mali niyang paniniwala ay mababago pa kaya o magiging huli na ang lahat?