Chapter 5

15K 563 20
                                    

GULAT ang bumalantay sa mukha ni Chase ng makita niya ang mukha ng lalaki kasama ni Yugene. Ilang taon na ba ang lumipas at dumaan na hindi niya ito nakikita. Pero ngayon ito sa harapan niya. Maging ang mag-asawang Belmonte ay nabigla rin ng makita nila ito. Hindi sila makapaniwala na nasa harapan nila ang lalaking matagal na nilang ipinagdadasal na sana buhay pa ito.

"T-tito Greg." Mahinang tawag dito ni Chase.

"Nababaliw ka na ba Chase, anong ipinasok ni Brenda dyan sa tuktuk ng ulo mo at ginagawa mo ito? Gusto mo silang patayin, pahirapan? Sige gawin mo ngayon din at titingnan natin kung sino ang hindi makakatulog dahil sa kunsensya niya." Saad sa kanya ng galit na si Greg. Bigla naman napantig ang tainga ni Chase sa narinig.

"Wala kang alam kaya wag mo akong masumbatan tito Greg." Galit din na turan dito ni Chase. Pagkalito naman ang makikita mo kina Yugene at sa magulang nito. Hindi nila maunawaan ang dalawang nagpapalitan ng salita at tila handang magsalpukan.

"Ikaw ang walang alam Chase, I'm so disappointed on you. Dahil lumaki kang hangal hindi kagaya ni Yugene." Iiling-iling na turan ni Greg kay Chase.

"I'm sorry, Vaughn, Evangeline. I know it's my fault kung bakit tinubuan ng sungay ang batang yan. Kung hindi ako naging makasarili ay hindi siguro siya aabot sa ganyan. Siguro katulad siya ni Yugene na lumaking maayos at may takot sa Diyos." Ani Greg sa magulang ni Yugene.

"Greg, anong pinagsasabi mo?" Naguguluhang tanong ng ama ni Yugene kay Greg.

Hindi agad nagsalita si Greg, kumuha muna ito ng lakas ng loob bago muling nagsalita upang sagotin si Vaughn. Pagkalito naman ang naramdaman ni Chase dahil sa tinuran ni Greg sa kanila. Wala siyang maunawaan sa pinagsasabi nito.

"Natatandaan mo noon na ako ang unang nakakilala kay Evangeline, we are very close that time. Minsan nga natutulog pa kaming magkatabi. Ganun kami kaclose dalawa. At ikaw naman sa tuwing nakikita mo siya ay lagi mong pinag-iinitan. Kaya walang araw na hindi siya umiiyak dahil sa'yo." Pagkwekwento nitong kinatawa niya ng pagak.

"What the hell he's talking about?" Naguguluhang tanong ni Chase sa kanyang isip. Hindi talaga niya maunawaan ito.

"Pero alam mo yung masakit, ako yung laging nandyan kapag umiiyak siya para aluhin. Ako yung super hero niya, parang ako yung superman niya. Pero hindi niya magawang mahalin ng higit sa isang kaibigan at yung taong walang ginawa kundi paluhain siya ang minahal niya." Pagkwekwentong muli ni Greg at dahil sa narinig ni ginang Belmonte ay hindi niya maiwasang hindi maluha.

"Hindi ko matanggap yun Vaughn na ikaw ang minahal ni Evangeline. I'm so mad dahil doon, kaya nagawa kung maging siraulo, gago at demonyo. Kahit sinong babae ang matripan ko ay wala akong pakialam kung may asawa, dalaga o matanda ay ginagamit ko. I used drugs kung ano-ano pang bisyo dahil nagbabakasakali akong mapapansin ako ni Evangeline. Nawala ang takot ko sa Diyos dahil kahit pumatay ay ginawa ko rin. Pero nagkamali ako dahil hindi yun nangyari." Saad nitong makikita mo sa kanyang mukha ang sakit at lungkot.

"Napakasakit tanggapin yun Vaughn na sarili mong kapatid ang karibal mo at wala kang kalaban-laban." Ani Greg sa ama ni Yugene na tahimik lang na nakikinig.

"Kaya ng malaman kung nagdadalang tao noon si Evangeline ay mas lalo akong nagalit sa inyo at pinangako kung sisirain ko ang pagsasama niyo." Anito sabay ngiti na hindi umabot sa kanyang mata. Gusto ng magwala ni Chase dahil wala siyang maintindihan sa pinagsasabi ni Greg ngunit pinilit niya ang sariling maging mahinahon.

"Kaya ng kausapin ako ni Brenda noon ay wala akong pag-alinlangang pumayag sa gusto niya. Dahil iniisip ko noon ay baka tuluyang mawala ka sa buhay ni Vaughn, Lyn , at mapupunta naman si Vaughn kay Brenda. Kaya ng manganak ka noon ay kinuha ko ang anak niyo at pinalitan ko ng patay. Kaya ang akala niyo ay patay ang anak niyo." Anitong kinasinghap ng mag-asawang Belmonte dahil sa narinig. Maging si Chase ay tila dinaanan ng isang kisap matang ilaw ang mukha niya sa narinig.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon