Chapter 3

15.9K 573 10
                                    

Warning:Rated SPG
.
.
.
.
LUMIPAS ang araw mula ng dumating si Daisy sa bahay ni Chase. Wala naman siyang naging problema sa binata. Yun nga lang ay minsan ay feeling niya may pagkaweird ang binatang amo.

"Daisy."

Tawag ni Chase kay Daisy. Agad naman siyang napatingin dito.

"Ano yun boss?" Tanong niya dito agad. "Tigilan mo nga ako sa pagtawag ng boss," Pasuplado nitong aniya kay Daisy na napaismid. "At kaya kita tinawag ay dahil may pupuntahan lang ako ngayong araw. Baka mamayang gabi pa ako makakauwi. Kaya kung may pupunta dito ay wag mong pagbuksan habang wala ako." Habilin nito kay Daisy.

"Kahit girlfriend mo?" Taas kilay nitong tanong. Minsan na kasi niyang nakitang may kasama itong babae ng umuwi ito ng bahay. "I don't have girlfriend." Saad nito. Hindi naman naniniwala dito si Daisy.

"Ah! Kung hindi girlfriend ay ano nga ba ang tawag doon," anitong bahagyang nag-isip. "Yun, fling girlfriend ang tawag. Nabasa ko sa wattpad. Yun ang tawag ng mga lalaking playboy sa mga babae nila e fling girlfriend. Yung mga babaeng bumubuka kahit sa hindi niya kilalang lalaki." Walang preno nitong aniya kay Chase.

"Ang dami mong alam." Naisatinig ni Chase. "E, sa yun naman ang sabi sa wattpad." Katweran nito.

"Tsk! Maadik ka dyan ng kababasa mo sa wattpad na yan." Anito kay Daisy.

"Duh! Boss, alam mo kaming mga single e kahit zero lovelife kami ay masaya basta meron kaming nababasang story sa wattpad. Alam mo kung bakit? Kasi sa wattpad ay meron happy ending, maraming hot fafa doon. Maraming kang mapagpipiliang basahin. At sa wattpad e merong loyal boyfriend sa pantasya mo. Dahil sa totoong buhay e puro manluluko ang karamihan sa mga lalaki." Anitong kinailing ni Chase.

"Bahala ka kung ano ang iniisip mo. Basta sundin mo yung bilin ko sayo." At agad nitong tinalikuran si Daisy. Nakangisi naman ng malapad si Daisy ng talikuran siya ng binatang amo.

"So, ano ang gagawin natin ngayon Daisy, aalis daw si boss?" Anito sabay nag-isip ng gagawin. "Hays! Ano ba naman yan. Wala akong maisip na gagawin." Saad pa nito.

SAMANTALA pagkaalis ni Chase ay sa secret place niya agad siya pumunta. Gusto kasi nitong malaman kung kumusta ang pinapagawa niya sa mga taohan niya.

"Boss." Nakayukong tawag ng right hand ni Chase sa kanya. "Speak." Mabagsik niyang utos dito.

"Si Belmonte kasi boss, nakalabas din agad ng kulungan. Yung hide out nila ay meron palang secret CCTV. At iyon ang ipinakita nila sa mga police kaya nakalaya agad siya." Kwento nito kay Chase.

Agad nalakumus ni Chase ang kamay dahil sa narinig nito. "May araw karin sa akin Belmonte at makikita mong magmamakaawa ka sa akin kapag sumapit ang araw na iyon." Nanggagalaiti nitong turan sa isip.

"Tell our men to hide. Wag mo silang palabasin muna dahil alam kung pinaghahanap na sila ngayon ng mga police." Utos nito sa kanyang right hand. "Yes! Boss." Pagtalima nito.

"Makakaalis kana. Ipapatawg na lang kita kung may ipapagawa ulit ako sayo." Utos niya dito. Agad naman itong tumalima sa utos ni Chase sa kanya.

"Matinik ka rin Belmonte. Pero makikita mo, may araw ka rin sa akin." Anitong galit ang mukha.

PAGKAALIS ni Chase ay agad sinimulang maglinis ni Daisy ng bahay. Punas dito, punas doon.  Map dito, map doon. Lampaso dito, lampaso doon ang ginawa niya. Pinalitan din niya ang mga kurtina. Pwera sa kwarto ni Chase dahil nakalock ang pinto nito. Kaya hinayaan na lang niya ito.

"Daisy, ang sipag mo naman. Nakalimutan mong maghanda ng pagkain mo." Kausap nito ang sarili. Dahil lampas tanghali na ay dali-dali siyang nagtungo sa kusina at naghanap ng makakain niya.

HE TOOK MY HEART(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon